Jomari Yllana to run for councilor in Parañaque's first district

Jomari Yllana follows in the footsteps of brothers Anjo and Ryan by entering politics: “Ang point ni Mom, sinasabi niya na bagay daw ako diyan. Nasa tamang edad ako kung meron man akong gustong mai-contribute sa lipunan, a better future for the children and grandchildren.”


Isa sa mga artistang kakandidato sa darating na eleksyon ay ang The Half Sisters cast member na si Jomari Yllana.

Nauna nang naibalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na isa si Jomari sa mga unang nag-file ng candidacy sa pagka-konsehal ng first district ng Parañaque City.

Read: Jolo Revilla, Alfred Vargas, Jeremy Marquez file COCs on first day

“Nauna yata ako. 0001 yung nakatatak dun sa akin!” natatawang pagbabahagi niya sa PEP at iba pang reporters sa set visit ng The Half Sisters noong October 14.

Si Jomari ang huling nagdesisyong pumasok sa pulitika sa kanilang magkakapatid.

Ang kuya niyang si Anjo Yllana ay tumatakbong konsehal ng fifth district ng Quezon City.

Ang nakababata nilang kapatid, si Ryan Yllana, ay tumatakbo bilang konsehal ng second district ng Parañaque.

Bagamat naimpluwensiyahan si Jomari ng mga kapatid, sinabi ng 40-year-old actor na ang kanyang ina ang talagang nagkumbinsi sa kanyang pasukin ang mundo ng pulitika.

“Yung strong na influence talaga is yung mommy ko more than the brothers.

"Yung mommy ko yung nag-convince sa akin, yung malakas na pag-convince.

“Matagal na 'yan, e. Gusto ng mga kapatid ko, ng father ko who passed away.

"For the longest time, ako yung tumatanggi."

Patuloy ni Jomari, “Ang point ni Mom, sinasabi niya na bagay daw ako diyan.

"Nasa tamang edad ako kung meron man akong gustong mai-contribute sa lipunan, a better future for the children and grandchildren.”


REASONS FOR RUNNING. Ayon kay Jomari, isa pang dahilan ng pagpasok niya sa pulitika ay ang kanyang kahandaan para rito.

“Actually hindi ko... itong past na mga eleksyon, hindi ko pinaplano talaga.

“Kung mga 30 years old ka na, iniisip mo na bata ka pa, ako yun.

“Noong 25 ako, inisip ko, bata pa ako.

"Noong nasa mga 35 ako, parang bata pa rin."

Pagbabahagi pa niya, “Pero one day, nagising ako, ang tanong ko sa sarili ko, ‘What do you want to do for the next five years, for the next ten years?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong ginagawa, ang dami kong trabaho, ang dami kong hats.

“I’m a race car driver. Sa pagkakarera, gusto ko magtayo ng eskuwelahan.

"Ako, gusto ko, pag tumanda ako, nandon ako sa service. Service sa tao."

Ito rin daw ang dahilan kaya mas ginusto niyang tumakbo sa mababang posisyon.

“Kaya ang napili ko rin, gusto ko mababang posisyon, ayoko maghangad ng mataas.

“I want to start sa mababa, subukan siya, makita siya.

"Hindi ako maghahangad ng mataas na posisyon, gusto ko maglingkod."

Dagdag pa ng aktor, “Isa sa mga dahilan kaya gusto ko maging konsehal kasi gusto ko mag-aral ulit.

“Madaming perks, madaming libreng puwedeng pag-aralan habang nakaupo ka.

“Gusto ko mag-aral on the job, gusto ko rin magbalik-eskuwela and the experience.”

Nilinaw ni Jomari na hindi siya bahagi ng kahit anong partido at isa siyang independent candidate.


LEARNING FROM ANJO. Sinabi rin ni Jomari na marami siyang natutunan kay Anjo, na naging Parañaque vice mayor bago tumakbo sa Quezon City.

“Actually, yung common sa akin, yung itinanim ni Anjo when he was vice mayor ng Parañaque.

“Kahit saan ako magpunta, may lalapit sa akin, ‘Uy, pasalamat naman kay Kuya mo. Thank you dahil scholar niya ako, nakapagtapos na ako.’ Nakakataba ng puso.

“Doon ako natututo. Maganda [ang mga] proyekto ni Anjo when he was vice mayor, puro kabataan, education, yung mga palaboy.

“Ang tagline niya 'Tikboy Para sa Palaboy.' Nag-focus siya sa mga bata.”

Tikboy ang pangalan ng karakter ni Anjo sa hit TV series na Palibhasa Lalake, na ipinalabas noong 1987 to 1998.

May naisip ba si Jomari na tagline para sa kampanya niya?

“Ako, wala pa akong naiisip. It’s very, very early now.

“Ang aga ng filing. Dati kasi pag-file mo, campaign period na.

“So, yung preparations ko pagdating sa ads, sa tagline, kailangan ko pang upuan tsaka isipin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Meron kaming mga six months hanggang campaign period, mga eight months from now until elections.”


LIE LOW IN SHOWBIZ. Tinanong din si Jomari kung magla-lie low siya sa paglabas sa pelikula at telebisyon kung sakaling siya ay manalo.

Tugon niya, “Alam mo, it’s a full-time job being a public servant.

“Siguro puwede kang makita ng tao kalahati. Half in a week nandun ka, kalahati nagsu-shooting ka.

"Siguro management ng oras lang.

“Pero iba ang panahon ngayon. Hinahanap ng tao presence mo, action man, gumagalaw.

“Kahit sabihin mong nasa legislative ka na department, gumagawa ka ng batas, gusto ng tao nakikita ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN