Gwen Zamora and Jeremy Marquez to tie the knot in 2016

Pagkatapos ng apat na taon, ikakasal na sa December 10, 2016 ang magkasintahang Gwen Zamora at Jeremy Marquez. Ito ang inanunsiyo ng komedyanang si Rufa Mae Quinto sa Instagram kahapon, October 19.


Ikakasal na ang Kapuso actress na si Gwen Zamora sa longtime boyfriend nitong si Jeremy Marquez.

Walong buwan pa lang ang relasyon ng dalawa ngunit apat na taon na silang magkakilala.

Sa pamamagitan ng Instagram video, inanunsiyo ng kasamahan ni Gwen sa Bubble Gang na si Rufa Mae Quinto ang nakatakdang pag-iisang dibdib ng dalawa sa December 10, 2016.

Kuha ang naturang video sa taping nila ng long-running gag show ng GMA network.

Sa caption, sabi ni Rufa Mae: “She is engaged... Hey! My baby girl is now a lady 💍💜🎎 congrats and all ✨💝 @gwenzamora


“I CANNOT WAIT TO BECOME YOUR MRS.MARQUEZ.” Noong Sabado, October 17, nag-post naman si Gwen sa kanyang Instagram account ng throwback picture kung saan idinetalye niya sa caption kung kailan sila unang nagkakilala ni Jeremy.

Dito ay sinabi rin niyang hindi na siya makakapaghintay na maging “Mrs. Jeremy Marquez.”

“Throwback on the first day I met my love. January 20 2011.

“Who would have thought that we would end up together four years after. It's clear that everything happens in its own time.

“We may have questions of why it did not happen then. However our stars made it clear that we were suppose to be with each other.

“Now that we are, I can assure you I won't let you out of my life. You have been a blessing and my source of Joy.

“Your jokes can be corny and weird but you crack me up. You make me smile with all your little sweet and touching gestures.

“Thank you for accepting me fully and loving me the way you do. I truly love you Jeremy Marquez. I cannot wait to become your Mrs. Marquez. #happy1084

Si Jeremy ay anak ng aktor at dating mayor ng Parañaque City na si Joey Marquez.

Kasalukuyang naninilbihan si Jeremy bilang barangay captain ng Barangay BF, Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-file naman ito ng kanyang kandidatura bilang vice mayor ng naturang lungsod para sa 2016 elections.

Hinihinalang nitong Oktubre lang na-engage sina Gwen at Jeremy.

Read: Is Gwen Zamora engaged to boyfriend Jeremy Marquez?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN