Claudine Barretto on issues surrounding niece Julia: “Huwag sanang mangyari sa generation nila kung ano ang nangyari sa generation namin."

Claudine Barretto wants an end to issue about niece Julia’s family name. She says, “Siguro nga mas magandang desisyon yun para tahimik na lang. Kasi, at the end of the day, si Julia ang lagi nilang tinitira, e. Sobra na rin naman, okay na yun. Tigil na lang.”


Ngayong wala na halos dalawang buwan ang bibilangin bago mag-Pasko, masaya si Claudine Barretto dahil makakasama niya muli ang mahahalagang tao sa buhay niya sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

“Happy kasi siyempre kasama ko na ang Ate Marjorie [Barretto] ko saka yung mga pamangkin ko nitong Pasko.

"I’m happy, I’m excited," pahayag ni Claudine nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa book signing ng Etiquette for Mistresses kamakailan.

Ano ang komento ni Claudine sa desisyon ni Dennis Padilla na hindi na ilaban ang pagiging Baldivia ng anak kay Marjorie na si Julia Barretto, at hayaan na lang maging isang legal na Barretto ang anak?

Aniya, “Hindi ko alam.

"Hindi ko napanood o nabasa yung eksaktong sinabi at kung ano ang eksaktong nangyayari, kaya hindi ko naiintindihan.

"Desisyon nila yun.

"Siguro it’s about time, as a family siguro, na kailangan tulungan kami ni Julia.

“Kung ano ang problema, huwag sanang mangyari sa generation nila kung ano ang nangyari sa generation namin."

Patuloy ni Claudine, “I’m hoping na kung mahal talaga natin si Julia, let’s lift her up, huwag natin siyang i-down, di ba?

“Siguro nga mas magandang desisyon yun para tahimik na lang.

“Kasi, at the end of the day, si Julia ang lagi nilang tinitira, e.

“Sobra na rin naman, okay na yun. Tigil na lang.”

RELATIONSHIP WTH RAYMART SANTIAGO. Kumusta naman na ang relasyon nila ng estranged husband niyang si Raymart Santiago?

Read: Claudine Barretto says she and estranged husband Raymart Santiago are now friends

Sagot ni Claudine, “I don’t want to talk about him kasi lahat talaga para sa mga anak namin [Sabina and Santino].

“Sinabi ko nga, kung wala kaming magandang masasabi tungkol sa isa’t isa, sa ngayon, ha, yung ugali namin o yung pagsasama namin, e, quiet na lang kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ang alam ko lang, solid kami para sa mga bata, yun na lang.

“Yung mga court-court na 'yan, sana matapos na rin 'yan.

"Pero kasi, hindi naman sa akin lahat, e.

“Kailangan din nilang gumalaw, so okay na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN