FIRST READ ON PEP. Jessy Mendiola and JM de Guzman break up anew

Mahigpit pa ring ipinagbabawal na itanong sa Kapamilya actres na si Jessy Mendiola ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya. Pero kinumpirma ng isang nakakakilala kay Jessy na hiwalay na ito sa aktor na si JM de Guzman.


Mahigpit ang bilin ng mga namamahala sa presscon ng You’re My Home noong Miyerkules ng gabi, October 21, na bawal ang personal questions at tungkol sa politics sa question-and-answer portion (Q and A).

Ginanap ang presscon ng upcoming teleserye na ito sa newly-refurbished Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Kaya minarapat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ilusot kahit pahapyaw ang mga tanong, tungkol sa mga isyung hindi pa rin nabibigyang-linaw, sa isa sa mga bida ng teleserye na si Jessy Mendiola.

Umiikot ang kuwento ng You’re My Home sa pamilya Fontanilla, base sa point of view ng ginagampanang papel ni Jessy na si Grace Fontanilla, na anak naman nina Gabriel (Richard Gomez) at Marian (Dawn Zulueta).

Iba ang lalim na ipinakita ni Jessy sa full trailer na ipinalabas sa presscon.

Tanong ng PEP kay Jessy sa presscon proper: Saan ka humuhugot ng lalim sa pag-arte?

Tugon ng 22-year-old actress, “Sa story pa lang po namin, hindi naman mahirap humugot nung kuwento.

"Kasi ako, mapagmahal talaga ako sa pamilya ko.

“So, siguro I just put myself in the position kung paano kung nawala yung kapatid ko talaga.

“Ganun lang lagi. I always play for the moment.

"So, madali lang humugot kapag tungkol sa pamilya, e, kasi mahal na mahal ko yung pamilya ko.

“So, pag dito, siguro yun yung lumabas.”

Sundot na tanong namin: Hindi sa nawawalang pag-ibig?

Medyo natawang sagot ni Jessy, “Pag-ibig? Ang dami namang uri ng pag-ibig.

"Pag-ibig sa pamilya... so puwede naman.

“Hindi naman mawawala ang pag-ibig, andiyan lang ‘yan sa tabi-tabi.”

Tanong ulit namin: Yung labas sa pamilya na pag-ibig?

Tugon ni Jessy, “Andiyan nga lang yun sa paligid, nasa tabi-tabi lang yun. So, yun po.”

Huling tanong namin: Kumusta ka na ngayon?

Sagot niya, “Okay naman po, humahaba na po yung buhok ko.

"And saka, finally, eere na po yung soap namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman po, masaya po ako, blessed.”

Pinigilan na kami ng moderator ng presscon na magtanong pa ulit.

Pagkatapos naman ng presscon proper ay kaagad na hinila si Jessy ng handler nito papasok sa backstage ng Dolphy Theater.

Natapos ang presscon na hindi pa rin nabigyang-linaw ni Jessy ang mga pangyayari kaugnay ng airplane incident na kinasangkutan niya at iba pang ABS-CBN stars, noong September 5, habang papunta sila sa London para sa ASAP Live in London.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

O maging ang balitang break na raw ang aktres at ang boyfriend nitong si JM de Guzman.

Read:JM de Guzman's cryptic Instagram post fuels breakup rumors with Jessy Mendiola



JESSY AND JM BREAKUP. Kaugnay nito, may nakausap ang PEP na nakakakilala kay Jessy.

Kinumpirma nitong hiwalay na ang aktres at si JM.

Hindi na ikinuwento ng aming source ang dahilan at kung kailan nangyari ang breakup nina Jessy at JM.

Pero sinabi nitong mukhang nakabuti sa dalaga ang mga nangyari dahil sunud-sunod ang endorsement deals nito ngayon.

Ito na ang ikalawang hiwalayan ng dalawa matapos nilang magkabalikan ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN