PEP EXCLUSIVE. Debs Garcia clarifies ‘Debbie Reid’ videos: “Everything has gotten out of control.”

Naghayag na ng kanyang saloobin ang baguhang aktres na si Debs Garcia tungkol sa Instagram post kung saan tinawag siyang ‘Debbie Reid’ ng kasama niya sa video. Paliwanag niya, “The video was taken a couple of days after the Ultra photos. The issue was still fresh at the time. It just happened that she was teasing me on the video and right then and there, I had to shush her instinctively, so as hindi na lumaki pa yung issue.”


Binasag na ng baguhang aktres na si Debbie ‘Debs’ Garcia ang kanyang katahimikan tungkol sa dalawang Instagram videos na kumalat nitong nakaraang linggo.

Si Debs ay napapanood sa daytime drama series ng ABS-CBN na Ningning.

Ikinainis kasi ng ilang fans nina James Reid at Nadine Lustre, o ng JaDine loveteam, ang tila pagpapa-cute ni Debs habang binabanggit ng kasama niya sa video ang kanyang pangalan bilang ‘Debbie Reid.’

Ito pala yung video.

A video posted by Arniel Capangpangan Serato 💋™ (@arnielcserato) onOct 21, 2015 at 3:13am PDT

Ito pa :)

A video posted by Arniel Capangpangan Serato 💋™ (@arnielcserato) onOct 21, 2015 at 3:23am PDT

Dahil dito, inulan ng batikos sa social media si Debs.

Kung anu-anong masasakit na salita na ang ibinabato sa kanya—"retokada," "papansin," "manggagamit," at "pokpok."

Read: Newbie actress Debs Garcia continues to get bashed over 'touchy photos' with James Reid

“TO CLEAR THINGS OUT.” Madaling-araw ngayong Biyernes, October 23, nagpadala ng mensahe si Debs sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text messaging.

Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ng baguhang aktres ang tungkol sa dalawang videos sa Instagram.

Sabi niya, “I saw your article about the video uploaded by @cringkring.

“I think this time, I need to speak up to clear things out. The girl who uploaded the video (@cringkring) isn't my friend.

“She's a fan of Stephanie Sol (my roommate), from CDO who slept over in our condo because she had no other place to stay over the night. May space pa naman sa amin, so why not lend a helping hand.

“She took photos and videos when she stayed in, with our full knowledge and we do not see any problem with that. I just wanted to clarify that: 1. I DID NOT upload/post it nor asked her to do so. I had nothing to do with it.

“Although, she asked permission if she can upload stuff. We said yes, completely unaware of what she would post.

“2. The video was taken a couple of days after the Ultra photos. The issue was still fresh at the time. It just happened that she was teasing me on the video and right then and there I had to shush her instinctively, so as hindi na lumaki pa yung issue.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Debs na "Ultra photos" ay ang kumalat na larawan nila ni James, na kuha sa isang music festival noong September 28, kung saan makikitang sweet ang dalawa.

Matapos nito, na-bash din si James ng ilang fans nila ni Nadine, kaya naman nag-post ang On The Wings of Love star sa Instagram ng mensahe tungkol sa pagkakaroon niya ng sariling buhay sa labas ng kanilang love team.

Read: James Reid posts cryptic messages on Instagram after sighting with Ningning star Debs Garcia



“JAMES AND I ARE FRIENDS.” Sa huli, sinabi ni Debs na maging malinaw na sana ang lahat pagkatapos niyang magsalita.

“Everything has gotten out of control.

"Lastly, I've already said my piece regarding the issue with James before. I hope this makes it all clear now.

“I understand you just have to do your job, write reports, you know, work. But that's all I have to say.

"James and I are friends.

"Thank you po for hearing out my side..."

Nauna nang nilinaw ni James sa panayam ng PEP na magkaibigan lang sila ni Debs.

Read: James Reid on rumored romantic relationship with newbie Debs Garcia: “Nothing. Friend ko lang siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN