Mayor Herbert Bautista backs out of MMFF movie with Kris Aquino

According to Mayor Herbert Bautista, he is supposed to do a film this year but he said that he will just focus on his candidacy for re-election as mayor in Quezon City. He did not name the film but it has been reported that he won't be included anymore in his MMFF entry with Kris Aquino titled All You Need Is Pag-ibig.


Nagsalita na si Mayor Herbert Bautista tungkol sa pelikulang pagsasamahan sana nila ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Ito ay ang All You Need Is Pag-ibig na entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nang makausap kahapon ng media reporters si Mayor Herbert sa kick-off ng Quezon City International Film Festival (QCinema) 2015 kagabi, October 22, sinabi niyang hindi na siya makakasama sa pelikula.

Tinanong siya ng isang reporter kung siya ba ay nakatakdang gumawa pa ng movie projects.

Natatawang sagot ng Quezon City mayor: “Well, I’m supposed to!”

Hindi man niya direktang sinabi kung ano ang proyektong ito, mukhang ang tinutukoy niya ang pelikulang dapat ay pagsasamahan nila ni Kris.

Subalit sinabi rin niyang magiging abala siya ngayon lalo na’t nalalapit na ang eleksyon.

Tatakbong muli si Herbert para sa kanyang ikatlo at huling termino bilang alkalde ng Quezon City.

“We’re really busy now doing for the next elections, and you know activities like these, QCinema.”

Sinabi naman sa kanya ng TV Patrol reporter na si Mario Dumaual na maaaring ito ay mas nakabuti sa kanya.

Tugon naman ni Mayor Herbert, “I think so, too.

"Just like how I was advised by one of my friends!" At muli siyang tumawa.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Mayor Herbert at Kris nang sabihin ng alkalde sa isang interview na inabisuhan siya ng TV host-actress na tumakbo muli ito para sa ikatlong termino sa pagka-alkalde sa Quezon City.

Ito rin ang naging dahilan kaya nag-drop out nung una si Kris sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Herbert.

Read: Kris Aquino denies asking Mayor Herbert Bautista to seek reelection; reveals real reason for dropping out of MMFF movie

Pero ang latest na balita ay tuloy na ulit ang partisipasyon ni Kris sa pelikula, ayon na rin sa co-star niyang si Kim Chiu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kim Chiu refuses to put label on relationship with Xian Lim



DABOY’S DOCUMENTARY. Sa kick-off naman ng QCinema, kung saan isa si Mayor Herbert sa nag-spearhead nito, ay ipinalabas ang isang documentary film tungkol sa buhay ng late action star na si Rudy “Daboy” Fernandez.

Ito rin ang nagsilbing opening film ng nasabing film festival.

Nagbahagi naman si Mayor Herbert ng naging samahan nila ni Daboy noon.

Saad niya, “I got to work with him, pinakahuli yung pelikula ni Ping Lacson.

“Earlier on, parang…hindi naman ako sidekick pero parang extra-extra na ako sa isang pelikulang ginawa niya.

"This was in the late '70s or in the early '80s.

“And then, of course, magka-tandem kami sa pagtakbo namin noong 2001 [sa Quezon City], siya yung mayor, ako yung vice.

“And maliban doon, siguro for about five years, magkasama kami sa Actor’s Guild kung saan siya ay presidente at ako naman ay board of director."

Ayon pa kay Mayor Herbert, karapat-dapat lang bigyan ng ganitong parangal si Daboy dahil sa mga naiwan nitong kontribusyon sa Philippine cinema.

“I saw his leadership, his humility.

"And tama lang na bigyan natin siya ng pagkilala dito sa QCinema.

“Maganda yung mga pelikula niya, may realities, social relevance. Hindi siya basta-basta gumawa siya ng action.

“And karamihan ng mga pelikula niya, namamatay siya.

"Yung mga earlier part kasi, it’s always a struggle. Unlike yung formula ni FPJ [Fernando Poe Jr.], ito naman yung difference.

“Mamamatay siya, fighting for what he believes, fighting for his family.

"And at the end of the movie, namamatay siya kasi siya yung bida-kontrabida ba, parang ganun yung dating.”

Pumanaw si Daboy noong June 7, 2008 dahil sa sakit na periampullary cancer.

Ayon kay Mayor Herbert, na nakilala sa mga pelikulang Nardong Toothpick at Captain Barbell, mukhang mahirap nang ibalik ngayon ang naging kasikatan ng action films ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mahirap talaga, lalo na ngayon, kasi uso ngayon rom-com.

“It’s good that we have Heneral Luna. Yun ang binabalik.

"Hopefully, dumami yung ganung klaseng pelikula, yung epic.

“But, you know, yung mga maliliit na indie siguro, puwede ring gumawa ng mga pelikulang aksyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN