#ALDubEBTamangPanahon breaks #WorldCup record for most number of tweets

Mahigit 39.5 million tweets ang naitala ng #ALDubEBTamangPanahon, ang official hashtag ng "Tamang Panahon" concert ng AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Eat Bulaga! ngayong Sabado, October 24.


Isang panibagong record na naman sa Twitter ang sinira ng AlDub hashtag.

Ang tweets para sa hashtag ngayong araw, October 24, na #ALDubEBTamangPanahon ay umabot sa mahigit 39.5 million.

Hindi lamang nito sinira ang previous record na naitala ng #AlDubEBForLove, na umabot sa 25.6 million tweets, noong September 26.

Higit pa rito, binasag din ng #ALDubEBTamangPanahon ang 35.6 million tweets na naitala ng #WorldCup match sa pagitan ng Brazil at Germany (#BRAvsGER) noong 2014.

Isa na naman itong patunay na ang AlDub ay isang "global phenomenon," gaya ng pahayag ng Twitter Asia Pacific and Middle East vice president na si Rishi Jaitly.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza compared by US news website to Ryan Gosling and Emma Stone

Ang "Tamang Panahon" ay ang titulo ng concert cum grand fans day ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub na ginanap nitong Sabado sa Philippine Arena.

Nagawang punuin ng "Tamang Panahon" ang Philippine Arena na may seating capacity na 55,000.

Ito rin ang pinakamaraming live audience ng Eat Bulaga! sa loob ng 36 taon nito sa ere.

Nakalikom din ang Eat Bulaga! ng P14 million mula sa napagbentahan ng tickets para sa "Tamang Panahon" concert.

Ang halagang ito ay gagamitin sa pagpapagawa ng school libraries at pagbili ng mga libro sa iba't ibang eskuwelahan sa bansa.

Kaya itinuturing nila itong bahagi ng kasaysayan, hindi lamang ng Kapuso noontime show kundi maging sa buong television history.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza tell each other: “God gave me you.”

Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

Sa pamamagitan ng Twitter ay nagpasalamat sina Maine at Alden sa AlDub Nation dahil sa mahigit 39 million tweets para sa #ALDubEBTamangPanahon:

Grabe kayo.. Happy 39M tweets, AlDub Nation! Wala talagang imposible sainyo! #ALDubEBTamangPanahon

— Maine Mendoza (@mainedcm) October 24, 2015

39.4M tweets?! Thank you ALDUBnation! Thank you ng sobra sobra! Mahal na mahal namin kayo! #ALDubEBTamangPanahon #teamworkpamore

— Alden Richards (@aldenrichards02) October 24, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN