Shamaine Buencamino posts about late daughter’s “psychological autopsy”

Actress Shamaine Buencamino posted about her late daughter Julia’s psychological autopsy. “I am posting this to encourage her friends, specially the teenagers, please ask for help.”


Nag-post sa Facebook ang beteranang aktres na si Shamaine Buencamino tungkol sa pinagdaanan ng kanyang yumaong anak na si Julia Louise Buencamino, bago ito mag-suicide noong July 2015.

July 7 nang matagpuang wala nang buhay ang 15-anyos na anak ni Shamaine at asawang si Nonie Buencamino sa kanilang tahanan.

Isang aspiring actress si Julia na gumanap na best friend ni Janella Salvador sa dating morning teleserye ng ABS-CBN, ang Oh My G!

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Sa October 23 (Friday) Facebook post ni Shamaine, ikinuwento ng TV/film/stage actress ang pagsasagawa ng “psychological autopsy session” para sa kanyang yumaong anak, sa tulong ng isang psychiatrist.

Ayon sa freedictionary.com, ang "psychological autopsy" ay imbestigasyon ng dahilan ng pagkamatay ng isang tao sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanyang mga iniisip, nararamdaman, at mga ginawa bago siya pumanaw, "based on information gathered from personal documents, police reports, medical and coroner's records, and face-to-face interviews with families, friends, and others who had contact with the person before the death."

Tinukoy ni Shamaine ang pagkakaroon ng mataas na intellectual quotient (IQ) at emotional quotient (EQ) ng kanyang yumaong anak, kung kaya’t nagawa umano nitong itago ang pinagdaraanan sa loob ng tatlong taon.

“She suffered so much but being young, she didn't want to be perceived as 'broken' and she thought she could cope on her own. She saved three of her friends from taking their lives but she couldn't save herself,” sabi ni Shamaine sa kanyang post.

Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang i-post ang tungkol sa psychological autopsy session.

“I am posting this to encourage her friends, specially the teenagers, please ask for help.

"Ask for help from your parents! We can not read your minds.

"But know that as parents we will do everything in our capacity to help and we won't love you less.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It is not just teenage angst!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN