Jolina Magdangal clarifies there's no issue between her and Claudine Barretto

Jolina Magdangal on being a stage mom to son Pele: “Parang mapipigilan ko yung sarili ko pero hindi ko pina-promise. Ang hirap, e. So, naiintindihan ko na yung mga stage parents. Pero, if possible ayoko sana kasi hindi naman makakabuti sa kanya kapag may stage parents siya.”


Nangahas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na itanong kay Jolina Magdangal kung firm pa rin ba ang kanyang desisyong huwag munang makatrabaho si Claudine Barretto.

Matatandaang nitong nakaraang Hulyo, sinabi ng singer-actress na parang nagkaroon na siya ng hesitation na makatrabaho muli ang tinaguriang Optimum Star matapos ma-cut short ang pinagsamahan nilang teleserye sa GMA noong 2011, ang Iglot.

Read: Jolina Magdangal hesitant to work with Claudine Barretto again

Visible na kasi muli sa telebisyon at pelikula si Claudine.

Matagumpay ang pinagbidahan nitong pelikula, ang Etiquette For Mistresses, kasama sina Kris Aquino, Kim Chiu, Iza Calzado, at Cheena Crab.

Nitong nakaraang Sabado lamang, October 24, trending ang Maalaala Mo Kaya episode nito sa ABS-CBN.

Kaya nang makausap ng PEP si Jolina sa launching nilang mag-anak—kasama ang asawang si Mark Escueta at anak na si Pele—bilang bagong endorsers ng Super Twins Baby Diaper, kagabi, October 27, ay muli namin siyang inusisa tungkol sa pakikipagtrabaho muli kay Claudine.

Lalo na't pareho na silang nasa ABS-CBN ulit ngayon.

Nakangiting sagot ni Jolina, “Ayoko nang mag-comment.

“Basta ako, happy ako na bongga yung Etiquette.

"Hanggang dun na lang muna ang sasabihin ko kasi… basta ayoko nang mag-comment.

“Happy ako for her.”

Pero, to work with her?

Muling sagot niya, “Happy ako for her.”

Dahil sa tanong namin, inusisa na rin siya ng iba pang press tungkol dito.

Pag-iwas ng Kapamilya star, "Ayoko nang mag-comment, tapos na."

Pero paglilinaw ni Jolina, “Sa akin, walang isyu, ha, wala sa aking isyu.”

Ginanap ang launching nina Jolina, Mark, at Pele bilang endorsers ng Super Twins Baby Diaper sa Oriental Palace Restaurant, Quezon City.

Ito rin ang kauna-unahang proyekto nilang pamilya at tuwang tuwa daw sila na kinuha sila ng Super Twins para i-endorso ang kanilang produkto.

Ginanap ang launching sa Oriental Palace Restaurant, Quezon City, ngayong gabi ng October 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


STAGE MOTHER? Ngayong na-expose na sa showbiz ang kanilang anak ni Mark, ibig bang sabihin nito ay pinapayagan na nilang magtuluy-tuloy na ito sa pag-aartista?

Sagot ni Jolina, “School muna.

"Pero pag may mga endorsement or mga TVC [television commercial], okay, kasi paminsan-minsan lang naman.

"Tsaka hindi naman ganun [katagal] ang demands ng taping, ng shooting, sila [client] yung nag-a-adjust kay Pele, e.

“So, andun pa ako sa ganun.

"Kasi kung mag-showbiz ‘to, hindi ba, ang mag-a-adjust, yung tao [yung artista]."

Dagdag naman ni Mark, “Basta makatulong sa future niya, pag-isipan naming mabuti, basta makatulong sa kanya.”

If ever naman, magiging stage mother ba si Jolina?

Bulalas niya, “Parang!

"Parang mapipigilan ko yung sarili ko pero hindi ko pina-promise.

“Ang hirap, e. So, naiintindihan ko na yung mga stage parents.

"Pero, if possible, ayoko sana kasi hindi naman makakabuti sa kanya kapag may stage parents siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN