Robert Seña deeply affected by suicide of godchild Julia Buencamino

Robert Seña (in photo, with wife Isay Alvarez) on being a father: "Mayron din akong fifteen-year-old kid, somehow parang may panahon hindi ko naiintindihan kung bakit ganun. Pero kailangang intindihin mo talaga, sometimes hindi lang tayo ang makakagawa. We need help din from other people, sa mga doctors, sa mga experts na alam talaga ang bagay na ‘yan. But, of course, kailangan strong din faith ninyo, ang spiritual."


Inaanak pala ni Robert Seña si Julia Buencamino, ang 15-anyos na anak ng mag-asawang Nonie at Shamaine Buencamino na kinitil ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagpapatiwakal noong Hulyo.

Iniyakan daw ni Robert ang pagpanaw ng inaanak.

Read: 15-year-old daughter of Nonie and Shamaine Buencamino commits suicide

Lahad niya, “When I first heard it, na parang may nagpadaan lang sa text, hindi ako sigurado, so tinanong ko si Nonie kung totoo ba yun.

“Of course, nung sinabi sa akin ni Nonie na totoo...

"I never cried that much in my life, parang anak ko na rin si Julia.

“Because we’re so busy, hindi ko na siya nakikita, tapos maririnig mo na ganun.

"Nakidalamhati kami sa pamilya nila."

Ayon sa theater actor-singer, hindi niya akalaing mangyayari ang ganoon dahil masayahing bata raw si Julia.

“Yes, nakikita ko siya sa school.

"Para nga minsan, iisipin niya, 'Ninong pa ba kita? Hindi kita nakikita.'

“Nakakahiya nga, sometimes kung ano lang ang mayroon ako sa pocket ko, 'Julia, huwag mong sabihin sa mommy mo na binigyan kita ng P500.'”

Tiniyak naman ni Robert na nasa maayos na kalagayan na ngayon ang mag-asawang Shamaine at Nonie.

“I think with the help of God, magkakapit silang mag-asawa.

"And mga ganung bagay, pag nangyayari, wala ka nang itatanong.

“You just have to accept it and just give it to Lord kung ano ang Kanyang desisyon."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Robert sa opening ng La Jeunesse Aesthetic Lifestyle Center sa MOA Complex noong October 28,

PARENTING. Suportado rin ni Robert ang adbokasiya ng mag-asawang Nonie at Shamaine.

Nag-post kasi si Shamaine sa kanyang Facebook account tungkol sa pinagdaanan ng namayapang anak. Nakiusap din siya sa mga kabataan na magbukas ng mga problema nila sa kanilang pamilya.

Read: Shamaine Buencamino posts about late daughter’s “psychological autopsy”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Robert, “One good thing, may advocacy sila... issues ng mga kabataan ngayon na may sariling mundo, na hindi lumalabas sa family.

“It’s good, tama yun. I support that hundred percent.

"In fact, ipinakita ko sa anak yung isinulat ni Shamaine, shinare ko pa.

“It’s good, we have to be aware yung mga nangyayari sa anak natin.”

Kasing-edad daw ni Julia ang anak ni Robert na tila may mga pansariling isyu ring pinagdadanan.

“Mayron din akong fifteen-year-old kid, somehow parang may panahon hindi ko naiintindihan kung bakit ganun.

"Pero kailangang intindihin mo talaga, sometimes hindi lang tayo ang makakagawa.

"We need help din from other people, sa mga doctors, sa mga experts na alam talaga ang bagay na ‘yan.

“But, of course, kailangan strong din faith ninyo, ang spiritual.

“Sa experience ko mayroon, e, kasi hindi kami nagkikita.

"Sometimes pag nagkikita kayo, nagmamadali ka naman or pagod ka.

“Mayroon din, that’s why I make it a point na we go out, may bonding kami, lagi kaming lumalabas.

“Kahit nga kami laging lumalabas, may mga moments na nagugulat ako.

"They will share it with you kaya dapat slowly lang, lalabas din siya, magugulat ka lalabas din siya kahit di mo pilitin."

DOM. Sa mabigat na problemang pinagdaanang ito ng pamilya Buencamino, dito higit na napatunayan ni Robert ang tatag ng pagkakaibigan nila ni Nonie.

Saad niya, “Yung friendship naman namin, talagang nandun na dati pa.

"Busy siya, busy kami, may kanya-kanyang ginagawa, hindi laging nagkikita-kita.

“Dun sa nangyari, nagkaintindihan kami na nagkakasuportahan kami talaga pag may nangyayaring mga bagay na ganun.”

Life must go on para sa pamilya Buencamino.

Masayang ngang binalita sa amin ni Robert na kasama si Nonie sa sisimulan nilang play, ang DOM.

“For now, si Nonie kasama naming dun sa musical, tinanggap niya naman, that’s why I’m happy with the project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We are producing a show, it’s called DOM, Dirty Old Musical, we come out next year.

“It’s an original musical from Spotlight Artist Center.

"Ako, si Ricky Davao, Michael Williams, Nonie, at John Arcilla.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN