Maine Mendoza's other social media accounts also hacked; Yaya Dub back on Twitter

Ilang oras pagkatapos ma-hack ng kanyang Twitter account ay balik ulit sa pagpu-post ang Eat Bulaga! mainstay na si Maine Mendoza. Bati niya sa kanyang followers: "Bawal ang sad, dapat happy! Kamusta kayo? Nagbabalik, Yaya Dub"


Nakabalik na sa Twitter ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza pagkatapos ma-hack ang account niya ngayong araw, November 3.

Read: Maine Mendoza's Twitter account hacked

Pero hindi lang pala ang Twitter account (@mainedcm) ni Maine ang na-hack kundi maging ang kanyang ibang social media accounts, gaya ng Facebook at Instagram.

Narito ang mga lumabas na posts sa kanyang Instagram account (mainedcm) pagkatapos itong ma-hack:

hello IG world :3 wala kong koneksyon sa mga hackers kaninang umaga. . . .~Vice

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onNov 3, 2015 at 1:44am PST

hello im back #mainedcm

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onNov 3, 2015 at 2:03am PST

@instagram my account was fully retrive thank you 😚😚

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onNov 3, 2015 at 2:44am PST

Maging ang kanyang email account ay hindi pa rin niya ma-access.

Pero sa mga unang post ni Maine pagkatapos ma-restore ang kanyang Twitter account ay tila positibo naman ang Eat Bulaga! mainstay sa kabila ng aberyang nangyari.

Narito ang Twitter posts ni Maine:

Bawal ang sad, dapat happy! Kamusta kayo? Nagbabalik, Yaya Dub

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 3, 2015

Instagram's fine, Twitter's back, Facebook deactivated (by hackers), email still inaccessible #fyi

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 3, 2015

That heavenly feeling when you take that first sip of your favorite drink after a loooong time 😌❤️ #peppermintmocha #RedCups

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 3, 2015

Iyon nga lang, mukhang sumama ulit ang timpla ng mood ni Maine nang malaman niyang pati ang kanyang Instagram account ay na-hack din:

So ano? 😊😊😊😊😊😊😊😊😊 pic.twitter.com/xWv4Gp1XSI

— Maine Mendoza (@mainedcm) November 3, 2015

Kasalukuyan na raw iniimbestigahan ng NBI Cybercrime Division ang pangha-hack sa social media accounts ni Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN