Alden Richards next target of Maine Mendoza's hackers?

Pinag-iingat ng AlDub Nation ang Pambansang Bae na si Alden Richards dahil sa bantang siya ang isusunod ng isang grupo ng hackers pagkatapos i-hack ng mga ito ang social media accounts ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.


Pinaalalahanan ng AlDub Nation ang Pambansang Bae na si Alden Richards na i-secure ang kanyang social media accounts dahil sa bantang isusunod na siya ng grupo ng hackers na Anonymous Philippines.

Ang Anonymous Philippines ang umako sa pangha-hack ng social media accounts ng ka-love team ni Alden na si Maine Mendoza ngayong Martes, November 3.

Read: Maine Mendoza's Twitter account hacked

Ngayong gabi naman ay kumalat ang mensaheng ito sa social media mula sa "anonymousphilippiness":

"Si alden na sunod. Balaan nyo na po. Baka sa friday hacked na yun."

Kasabay ng pagkondena ng mga tagasuporta nina Alden at Maine sa hacking na ito, pinag-iingat din nila ang Kapuso matinee idol na posibleng mangyari rin sa social media accounts niya ang nangyari kay Maine.

Binabantayan din ng AlDub Nation ang Twitter accounts ng kanilang administrators at maging ng iba pang hosts ng Eat Bulaga! sa posibilidad na mabiktima rin ang mga ito ng pangha-hack.

Kapansin-pansin ang pag-target ng grupo ng hackers na ito sa social media accounts nina Maine at Alden, na parehong mayroong 2.4 million followers sa Twitter at mahigit 1.2 million followers sa Instagram.

Sina Alden at Maine, o mas kilala sa kanilang tambalang AlDub, ang itinuturing na pinakasikat na showbiz personalities ngayon.

At sa pangha-hack ng Anonymous Philippines sa social media accounts nila ay nakuha nila ang atensiyon ng milyun-milyong followers ng dalawa.

Sa kabilang banda, nagsasagawa na raw ng imbestigasyon ang Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pangha-hack sa social media accounts ni Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN