Jessy Mendiola finally speaks up about second breakup with JM de Guzman

Tinuldukan na ni Jessy Mendiola ang maraming agam-agam tungkol sa pangalawang hiwalayan nila ng aktor na si JM de Guzman. Sabi ni Jessy, “May mga bagay talaga na, di ba, pag sinasabi mong kapag hindi talaga para sa 'yo, huwag mong ipilit.”


Pagkatapos ng ilang linggong pananahimik at pagiging mailap sa media, nagsalita na rin sa wakas si Jessy Mendiola tungkol sa napapabalitang pangalawang hiwalayan nila ng aktor na si JM de Guzman.

Unang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang balita tungkol sa pangalawang hiwalayan nina Jessy at JM noong October 22.

Read: FIRST READ ON PEP. Jessy Mendiola and JM de Guzman break up anew

Sa panayam ng PEP at ni MJ Felipe ng ABS-CBN News nitong Huwebes ng gabi, November 5, kinumpirma ni Jessy na nagtapos na ang ilang buwan nilang relasyon matapos silang magkabalikan ni JM nitong taon.

Panimula ng 22-year-old Kapamilya star, “We're in the position where we would like to prioritize other things.

“We really think that our relationship basically won’t help with our respective focus and priorities.

“So, napag-usapan naman namin na it's better huwag na lang muna [ituloy].”

Bakit ganun na lamang ang pagmamahal niya sa ex-boyfriend?

Maluha-luhang sabi ng dalaga, “Kasi siya talaga ang taong naniniwala sa akin, e, lagi.

"Naku, napaiyak mo ako!"

Patuloy ni Jessy, “Siya [yung naniniwala]. At sobrang bait niyang tao. Sobrang… he has a good heart.

“So, wala talaga akong masasabing masama sa kanya.”

Nakausap ng PEP at ABS-CBN News si Jessy sa presscon ng Banana Sundae, ang bagong bihis na Banana Split, kagabi, November 5.

Si Jessy ang bagong dagdag sa cast ng nasabing gag show na mapapanood na tuwing Linggo simula November 15.


PRIORITIZING OTHER THINGS. Marami ang nanghihinayang sa muling pagkawasak ng relasyon nilang dalawa.

Nanghinayang din ba si Jessy at muli silang naghiwalay ng landas ni JM?

Sagot ng You’re My Home star, “Siyempre, pero wala din naman din akong magagawa if it’s not good for the both of us.

“Then, I’d rather be not in his life for him to be okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman itong na-miss na niya si JM.

Sabi ni Jessy, “Oo naman.

"We still talk to each other.

"Ako, I would like to believe that we are friends.”

Ano ba ang iba pang dahilan ng kanilang breakup?

Saad ni Jessy, “Ako, wala akong falling out, pero alam mo yun, siguro may certain time na dadating na mas magiging okay ako.

“Siguro ngayon, mas mabuti nga...

"Its' God’s way of saying that you have to prioritize other things more than this [relationship].

“So, nandun ako. Susunod lang ako sa daloy talaga kung anong nangyayari sa amin.

“May mga bagay talaga na, di ba, pag sinasabi mong kapag hindi talaga para sa 'yo, huwag mong ipilit.

“Well, I can’t really say we’ve parted ways totally kasi we still talk.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN