Jessy Mendiola on moving on from airplane incident: “I can’t say I'm totally fine, but I can say I am getting better.”

Jessy Mendiola on keeping her silence: "Alam ninyo naman ako, dati pa naman akong open sa inyo. Pero pag mga sensitive issues lang talaga, it’s better not to talk about it than speak for someone else. Ako, I didn’t want to talk about it, kasi alam kong maraming pangalan ang masisira, maraming tao ang masisira. So, beter kung huwag na lang ako magsalita."


Naging malaking isyu sa showbiz ang airplane incident na naganap habang papunta ang mga artista ng ASAP sa London noong Setyembre.

Sangkot sa nasabing insidente sina Jessy Mendiola at Enrique Gil.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Ayon kay Jessy, ngayon ay paunti-unti na siyang nagmu-move on sa nangyari.

“There are moments na hindi. I’m not going to lie.

"There are moments na siyempre you’re down, you’re depressed.

“But when you think of happy things, when you think of your blessings, and when you think things happened for a reason, you learn how to accept it and you learn to grow up.

“I can’t say I'm totally fine, but I can say I am getting better,” pahayag ni Jessy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


MOM AS STAUNCH PROTECTOR. Isa sa matapang na nagdepensa kay Jessy noong kasagsagan ng isyu ay ang ina niyang si Mrs. Didith Gardivia.

Ilang ulit itong nakipagsagutan sa Instagram para lang ipagtanggol ang anak sa mga bashers nito.

Read: Jessy Mendiola denies rumored pregnancy; mom Didith Garvida lashes back at bashers

Pahayag ni Jessy, “Sa nanay ko, sobrang saludo ako sa nanay ko.

“For a time, hindi kami nagkikita ng nanay ko, tapos nung ginawa niya yung interviews na yun, wala siyang pakialam.

“Nang-aaway pa nga yung nanay ko sa Internet para lang ipagtanggol ako.

“Bilib ako sa kanya, saludo ako kay Mama.

"Wala siyang pakialam—ma-bash siya, ma-hate siya, okay lang, basta para sa anak niya.”


THANKFUL FOR ENCOURAGING MESSAGES. Nakatulong din ng malaki kay Jessy ang encouraging messages na minsan ay nanggagaling pa sa mga hindi niya tagahanga.

“I can’t speak for anyone else but myself.

“I mean, ang natutuhan ko, pag nasa totoo ka talaga, pag nasa side ka ng totoo, kahit hindi ka magsalita, lalabas at lalabas kung ano ang tama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, nagpapasalamat ako kahit mga hindi ko fans.

“I just find it nice na kahit yung ibang mga tao na hindi ko naman kilala o hindi ko fan, nagku-comment talaga sila sa pictures ko just to say, 'Be strong' or like 'Saludo ako sa iyo.'

"Kasi, this is when you proved that ito pala ang mga totoong tao.

“I mean, ito ang dapat nating ginagawa when someone’s down, you have to build each other up.

“Nakita ko yun sa nangyari sa akin, yung mga hindi ko fans na nag-comment sila sa akin na, 'Kaya mo 'yan, tuloy mo lang.'"


DEALING WITH BASHERS. Hanggang sa ngayon ay nakakatanggap pa rin ng pamba-bash mula sa maraming netizens si Jessy.

Pero natutunan na raw niyang i-handle ang mga bashers niya.

“Nakakatawa, hindi lang isang issue ang bina-bash sa akin, marami.

“Parang nasasanay na lang ako, sanay na lang ako na parang kahit ano naman ang gawin ko, damn if you do, damn if you don’t.

“If you’re not gonna do it, may sasabihin sa iyo.

"Pag gagawin mo, may sasabihin pa rin sa iyo.

“So, might as well do what you want to do because they are going to say something,” kibit-balikat niya.

Naisipan ba niyang mag-quit sa showbiz at mamuhay na lang bilang isang ordinaryong tao?

Sagot ni Jessy, “Oo naman, countless times.

"Alam ng handlers ko yun, sobra, lagi kaming nag-uusap, lagi nila akong kinakausap.

"Dun nga ako nagpapasalamat.

“Sa management, sa handler ko, sa mga tao sa paligid ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko, sila lahat nagsasabi sa akin, 'We believe in you. Even you don’t believe in yourself, we do.'

“That’s how strongly they believe in me.”


FORGIVENESS TAKES TIME. Sa punto naman ng pagpapatawad sa mga taong nakasakit sa kanya, oras ang hinihingi ng aktres sa nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, you can really forgive, but you cannot forget.

“O, ayan na naman kayo, baka sabihin ninyo bitter ako. Pero hindi, di ba?

“Pag may nangyari talaga sa iyo na sobrang sama, traumatizing, hindi mo rin agad-agad male-let go yun.

“Kung sino ang naagrabyado mo, you have to give her time to heal hanggang sa totally masasabi niya na, oo, okay na siya.

“Nasa moving-on process ako, hayaan na lang natin yun.”

Sa paratang naman na mahilig siyang mag-post ng cryptic messages sa Instagram, may paliwang dito si Jessy.

“Hindi nga, e. Yun nga ang nakakatawa, e.

“Ma-quotes talaga ako, maarte ako sa Instagram.

"Kasi more than Twitter, Instagram person ako.

“Nagtataka lang ako bakit ganun, kasi before pa naman ako nagpu-post ng mga quotes, tapos ngayon sobrang big deal na.

“Mag-post lang ako ng itim na picture, big deal pa rin.

“Alam ninyo yung ganung bagay, na I’m not giving any cryptic messages, pagpaparamdam o pagpapahiwatig.

"I just wanna post how I feel at the moment."


Dahil naging tikom ang bibig ni Jessy at naging iwas sa interviews ng press sa nakaraang isyu na pinagdaanan niya, ayon sa aktres ay may mga tao lang siyang prinotektahan.

“Alam ninyo naman ako, dati pa naman akong open sa inyo.

"Pero pag mga sensitive issues lang talaga, it’s better not to talk about it than speak for someone else.

“Ako, I didn’t want to talk about it, kasi alam kong maraming pangalan ang masisira, maraming tao ang masisira.

"So, beter kung huwag na lang ako magsalita."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN