Nadine Lustre dismisses career and lovelife problems behind cryptic IG post; clarifies rumor that she will be the next Darna

Pinabulaanan ng Kapamilya star na si Nadine Lustre na may kaugnayan sa kanyang problema sa karera at pag-ibig ang matalinhagang post niya sa Instagram kamakailan. Sabi niya, “It’s about my family. So, it’s okay na. I’m over it na. After I got back from Korea, I’m over it na.”


Noong October 19, isang cryptic message ang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account.

Ito ay parang isang tula tungkol sa pagkuwestiyon sa sarili at kawalan ng pokus dahil sa hindi malamang dahilan.

Nakasaad dito: "it's gotten to the point where / i don't know who i am anymore / i constantly feel like i'm on the verge / of breaking down."

Sa caption, ito ang sinabi ng On The Wings Of Love star: “Hey, it happens... But you gotta get back up.”


Read: Nadine Lustre posts cryptic message on Instagram about being "on the verge of breaking down"

Mula noon, hindi pa nagbigay ng pahayag si Nadine tungkol dito.

Ngayong Huwebes ng hapon, November 12, sa opening ng Papermoon Café sa SM Megamall, inusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang miyembro ng media ang Kapamilya actress tungkol sa kanyang IG post.

Nakangiting sabi ni Nadine, “It’s a phase. Lahat po tayo nagdadaan dun, I guess.”

Maituturing din ba niyang birthday blues ito?

Noong panahong iyon ay paparating ang ika-22 kaarawan niya (October 31).

Tugon ni Nadine, “Birthday blues din, I guess.

"Sinasabi nila lahat sa akin, ‘Birthday blues lang,’ sabi ng mga friends ko.

“’Wala yan, hindi 'yan seryoso, birthday blues lang 'yan, kasi magtu-22 ka na, ganyan-ganyan,’ sabi ng mga friends ko.”

LOVE LIFE AND CAREER? So, walang kinalaman ito sa kanyang love life?

Diin ni Nadine, “No, it’s not about love life, it’s not about my career.

“It’s about my family.

"So, it’s okay na. I’m over it na.

"After I got back from Korea, I’m over it na."

Nagbakasyon si Nadine sa Seoul, South Korea nitong nakaraang linggo bilang birthday treat sa kanyang sarili.

“I’m happy!” natawang sagot ng dalaga nang matanong tungkol sa state of heart and mind niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang nagbura siya ng maraming pictures nila ng kanyang ka-love team na si James Reid?

Paglilinaw ni Nadine, “Hindi, kasi I’m really OC [obsessive-compulsive] po with my feed.

"Alam naman po 'yan ng mga JaDines na sobrang OC lang po talaga ako sa feed.

“It doesn’t mean anything kapag nagbura ako ng photos or ano.”

Paano niya hina-handle ang kanyang kasikatan ngayon?

Sagot ni Nadine, “It’s not really about my career that I post.

"Yun lang po, wala naman po akong problema with my career.

“I’m really happy with what’s happening to me, kung anuman ang nangyayari sa career ko ngayon.

"I’m really, really happy, and grateful."


THE NEXT DARNA? Nagsilabasan naman ang balita last week na, diumano, isa si Nadine sa mga ikinukunsidera na maging susunod na Darna.

Sa katunayan, nanguna pa nga si Nadine sa isang poll na isinagawa kaugnay nito.

Pero ayon sa Viva star, “Sabi ko hindi, kasi kailangan ko ng gym time, kailangan ko ng time mag-train.

"Bahala na."

So, siya na ba talaga yun?

Sabi ni Nadine, “Wala pa, wala pang sinasabi.”

Pero gusto niya ba yung project?

Nakangiting tugon ng dalaga, “Of course, gusto ko siyempre. Darna yun, di ba?

“It’s a privilege na maging Darna.

"But now, we’re really focused with OTWOL, tapos MMFF pa, parang wala talagang time for anything."

Kasama sina Nadine at James sa Metro Manila Film Festival 2015 entry na The Beauty and The Bestie.

Dagdag ni Nadine, “Kung magiging Darnaman ako, kailangan kong mag-train. Hindi puwedeng hindi.

Sabi naman ni James, na nasa tabi ni Nadine during the interview: “If she’s Darna then I’m Captain Barbell.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN