Polo Ravales relates experience with bashers: "Ganun pala katindi ang social media. May nagsabing laos na raw ako."

Polo Ravales on his controversial Facebook post about call center agents last September: "Hindi naman ganun ang pagkatao ko, di naman ako nanlalait ng tao. Ang mali ko lang, na-specify ko na call center. Kaya hayun, nag-sorry naman ako.''


Unti-unti na raw nakaka-move on si Polo Ravales mula sa kanyang naging kontrobersiyal na Facebook post tungkol sa call center agents nitong nakaraang Setyembre.

Read: Polo Ravales apologizes for Facebook post about call center agents

Kung matatandaan, sari-saring reaksiyon at bashing ang kanyang tinanggap matapos niyang “kuwestiyunin” ang kalagayan ng call center agents, at hikayatin ang mga ito na sumali sa kanyang team na may kinalaman naman sa networking.

Kaagad naman siyang humingi ng paumanhin sa pamamagitan pa rin ng kanyang Instagram account, matapos siyang ulanin ng sari-saring pambabatikos at panlalait.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Polo sa presscon ng Angela Markado, na ginanap sa Shangri-La Finest Chinese Cuisine sa West Avenue, Quezon City, noong November 12, muli siyang nagbigay ng pahayag tungkol sa isyung ito.

Bungad ni Polo, "Nag-sorry na ako, at sabi ko nga, hindi ko siya mini-mean [na maka-offend].

"Na-misinterpret nila, kasi nung tinayp ko yun, nung ginawa ko yung message na yun, kagigising ko lang, pumasok lang siya sa isip ko.

"Hindi ko siya na-construct nang maganda, kaya ang pangit.

"Ngayon, may nag-PM [private messaging] sa akin, parang nanay yata, galit na galit sa akin.

"Pero may mga nakaintindi. Di naman pumabor, pero they didn't find it offensive."

Wala naman daw siyang ibig sabihin nun.

Aniya, "Hindi naman ganun ang pagkatao ko, di naman ako nanlalait ng tao.

"Ang mali ko lang, na-specify ko na call center.

"Kaya, hayun, nag-sorry naman ako. Sinabi ko nga na hindi yun ang mini-mean, hindi ko binababa yung...

"Ang daming bashers. Ramdam ko yun. Pati nga mga kaibigan ko sa ibang bansa, 'Hoy, Pol, anong nangyayari sa 'yo diyan?'

"Ganun pala katindi ang social media. May nagsabing laos na raw ako."

Naiintindihan naman daw niya ang mga naging reaksiyon ng mga nasa call center industry.

Saad ng 33-year-old actor, "Nasaktan ko sila. Na-hurt ko yung pride nila, kaya hini-hurt din nila yung pride ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naintindihan ko yun."



REPRISING VILLAIN ROLE. Sa puntong ito, minarapat niya na pag-usapan na lang ang tungkol sa pelikula niyang Angela Markado na dinirek ni Carlo J. Caparas.

Ang role niya rito ay isa sa rapists ng bidang si Andi Eigenmann.

Kumusta naman ang paggawa nila ng eksenang yun?

Aniya, "Ako si Bren dito.

"Parang tattoo artist ang role ko rito.

"Ako yung nagmarka kay Angela."

Ano naman ang naramdaman niya noong kinukunan nila yung eksena?

Nakangiting sabi ni Polo,"Ang ganda niya, e," na ang tinutukoy ay si Andie.

Dugtong niya, "Wala, wala, at saka, work yun, e.

"And, maaawa ka sa kanya, kasi grabe yun sakripisyo niya rito, e."

SHOOTING RAPE SCENE WITH ANDI. May iningatan ba siya sa katawan ng kanilang lead actress, para walang “aksidenteng” mangyari habang sinu-shoot ang eksena?

Sabi naman niya, "Well, wala akong iningatan.

"Pero alam naman kasi niya kung ano ang hinihingi sa eksena, yun ang... kung madaplisan ko man yung boobs niya or something, I don't think naman na she will take it against me.

"And artista siya, professional naman siya, e."

Gaano ba ka-bold sa tingin niya ang kanilang eksena? Or better ang movie mismo?

Tugon ng freelance actor, "Well, una, R-13 'to.

"I've done sex movies before. Iba yun. Hindi ko puwedeng i-compare.

"Wala kasing...yung act na tatanggalin ko yung damit sa likod, mag-iiba, e.

"For Andi, ano e... for me, hindi, e.

"Kasi ako, I've done sex movies. Sa kanya, daring na yun.

"Wala akong exposure. Although sex act lang, parang ganun.

"Siya lang talaga."

Yung pagiging villain niya sa pelikula, okay na ba siya sa mga ganung roles?

Aniya, "Ma-typecast? Well, yung last role ko sa TV show, kontrabida rin ako.

"Pero sa akin, it doesn't matter, kasi trabaho yun.

"And for me, I think, yung mga ganung role, mas mahirap gawin, at mas natsa-challenge ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN