Liza Soberano knows limitations of LizQuen love team: “We also need to grow separately siyempre.”

Liza Soberano (shown with love team partner Enrique Gil) admits she's open to the possibility of being paired with other actors: “Siyempre, dun kami maggu-grow as an actor and actress."


Aminado si Liza Soberano na hindi naging madali sa kanilang dalawa ng ka-love team na si Enrique Gil ang paggawa ng kanilang box-office hit na Everyday I Love You.

Nakaramdam daw sila ng takot dahil kumpara sa mga rom-com na pelikula nila dati, mas mature ang tema ng Everyday I Love You, pati na rin ang mga karakter nila.

“It’s very overwhelming actually. Kasi yun nga, it’s been more than Just The Way You Are," kuwento ni Liza sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong thanksgiving presscon ng pelikula sa Star Cinema office noong November 13.

“Siyempre, when you’re doing your next movie, you have a struggle to make it different.

“At least, na-achieve namin ang mga goals.

“And yeah, like what Quen [Enrique's nickname] said, we were nervous at the beginning. Kasi it’s kinda different, especially since may malakas na [love] triangle in between us.”

INTERNATIONAL SCREENING. Natutuwa rin si Liza na hindi lamang sa Pilipinas tinatangkilik ang latest movie nila. Maging sa ibang bansa ay napapanood ito hanggang ngayon.

Sabi niya, “It’s awesome, kasi di ba, nag-tour po kami?

“Hindi pa po pinapalabas ang movie namin when we went there pero, lahat sila, abang na abang na po.

“We were really excited that they’re also excited for the movie and noong dumating po kami rito, my mom and my lolo and lola, they watched also.”

Sa San Francisco, California nanood ang mommy ni Liza. Ang lolo at lola naman niya ay nanood sa ibang lugar kunsaan mas maliit ang screening na naganap.

Kuwento ni Liza, “Sabi ng lola ko, ang dami raw dumalaw from different places just to watch the movie.”

OPEN TO BEING PAIRED WITH OTHERS. Kahit mainit ang pagtanggap ng mga manonood at fans sa love team nila ni Enrique, bukas daw si Liza sa ideya na maaaring mapagdesisyunan ng kanilang home network na pansamantalang buwagin ang LizQuen tandem at ipareha muna sila sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman po. Hindi naman po namin tinatali ang sarili namin sa isa’t isa. We’re really open po kasi to work with different people.

“Siyempre, dun kami maggu-grow as an actor and actress kung nakakatrabaho po ang ibang artista sa industry. Saka, we also need to grow separately siyempre.”

Handa ba siya sa posibilidad na paghiwalayin muna sila ni Enrique bilang magka-love team?

“Well, of course, gusto ko na kami ang magka-love team.

“Pero kung bibigyan kami ng chance to work with other people and yun ang napagdesisyunan ng management, of course, we will follow.”

FIRST ONSCREEN KISS? Wala pa ring kissing scene sina Liza at Enrique sa Everyday I Love You, pero halos magkalapat na ang labi nila dito.

Seventeen years old pa lamang si Liza. Sakaling puwede na siya sa mga ganoong eksena, gugustuhin kaya niyang si Enrique ang first onscreen kiss niya?

Sagot ni Liza, “Wala naman pong usapan, pero hindi ko po alam.”

Pero mas gusto ba niyang kay Enrique manggaling ang kanyang first onscreen kiss?

“Opo naman,” natawang pag-amin ni Liza.

SWAPPING “I LOVE YOUs?” Ano ang tugon ng aktres nang mag-tweet si Enrique ng “I Love You Liza”?

“Sumagot po ako sa Abunda... [the late night show Tonight with Boy Abunda] pero, hindi ko na po inuulit ang mga interview ko. Kailangan panibago lagi,” biro niya.

Natatawang dagdag niya, “Nandito siya [Enrique], e. Hindi niya dapat nalalaman.

“Sabi kasi ng parents ko, huwag daw mag-a-I love you hangga’t hindi pa kami.”

Sumagot si Enrique na nag-a-I love you naman daw sa kanya si Liza.

Natatawang sagot ni Liza, “Siyempre, I love you because he’s the person I work with every day. Best friend ko siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN