Alma Moreno hurt by bashing over ANC interview with Karen Davila

Umamin si Parañaque councilor Alma Moreno na labis siyang nasasaktan sa mga panlalait na kanyang inani dahil sa “awkward interview” nito sa programang Headstart ni Karen Davila sa ANC noong November 11. Pati raw ang kanyang pamilya ay hindi pinalagpas ng mga basher, pero hindi naman daw ito nangangahulugang hindi na siya isang matinong public servant.


Labis daw na nasaktan si Parañaque councilor Alma Moreno sa tinamong pangungutya sa social media dahil sa “awkward interview” niya sa programang Headstart ni Karen Davila sa ANC noong November 11.

Sa isang pagtitipon sa Barangay Sun Valley, Parañaque City, kahapon November 19, maluha-luhang humarap sa GMA News ang United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate.

Malawak na raw ang inabot na pinsala ng pagkalat sa social media ng video ng naturang panayam, at pati ang kanyang pamilya ay nakaramdam na rin ng pang-iinsulto dahil sa dami ng mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya.

Napahiya raw siya nang todo dahil na rin sa memes at hashtags na #PrayForAlma na ikinakabit sa kanyang pangalan. Mayroon namang ibang nagsasabi pa ng "#KatolPaMore."

Matatandaang sa interview ng ABS-CBN broadcaster na si Karen, naitanong niya kay Alma ang tungkol sa Reproductive Health Bill (RH Bill), diskriminasyon, pagbabawas ng buwis, same-sex marriage, Bangsamoro Basic Law (BBL), at ang kanyang magiging programa sa Senado sakaling palarin siyang manalo.

May mga tanong si Karen na tila hindi naintindihan ng dating aktres kaya mali-mali ang mga naging sagot nito.

Read: Senatoriable Alma Moreno ANC interview with Karen Davila goes viral; believes same-sex marriage is a sin

Sa naturang panayam ng GMA, na lumabas sa GMA News Online kagabi, November 19, inamin ni Alma na hindi man ganun kalawak ang kanyang kaalaman katulad ng ibang mga pulitiko, hindi naman daw ibig sabihin nito na hindi siya tapat magserbisyo sa bayan.

Sa kanyang talumpati sa harapan ng mga taga-Parañaque, muling ibinahagi ni Alma ang kanyang saloobin na labis siyang nasasaktan sa mga panlalait na natanggap, pero nagpapasalamat naman siya sa mga taong nagpakita ng suporta sa kanya.

Isa sa mga kumampi kay Alma ay ang kapwa rin niya aktres na si Vivian Velez.

Read: Vivian Velez accuses Karen Davila of humiliating Alma Moreno in Headstart interview

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sa Facebook account na Councilor Alma Moreno, isang music video ang in-upload dito kung saan makikita ang provincial sorties ng konsehala sa saliw ng awiting “Tuloy Pa Rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN