Davao City Mayor Rodrigo Duterte dismayed with SET's decision on Sen. Grace Poe disqualification case

Hindi sang-ayon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na natural-born Filipino si Senator Grace Poe. Kaya naman daw bukas na muli ang posibilidad na sasabak siya sa presidential race sa 2016 elections.


Hindi sang-ayon si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa naging desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na isang natural-born Filipino si Senator Grace Poe.

Naniniwala ang alkalden na isang legal at hindi political issue ang citizenship case ni Senator Poe.

Si Senator Poe ay tumatakbong Pangulo sa 2016 elections.

Kaya naman daw napapaisip si Mayor Duterte na tumakbo na bilang Pangulo kapag hindi binago ng SET ang kanilang naging pasya sa kaso.

Pahayag ni Mayor Duterte sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN ngayong Biyernes, November 20, "I’m terribly disappointed.

"Second, I cannot accept Grace Poe as a legitimate candidate for the presidency, because I agree with the justices of the Supreme Court that this is a legal issue and not a political issue.

"The option to run for me as president is already a possibility."

Bukas pa ang presidential candidate slot ng partidong kinabibilangan ni Mayor Duterte, ang PDP-Laban, matapos iatras ni Martin Diño ang kanyang kandidatura sa pagka-presidente.

Sa statement naman ng kampo ni Senator Poe, sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Mayor Rex Gatchalian ng Valenzuela City, iginagalang daw nila ang opinyon ni Mayor Duterte.

Pero iginiit nilang natural-born Filipino ang senadora.

Matatandaang nitong Lunes, November 16, pumabor kay Senator Grace ang limang miyembro ng SET na sina Senators Loren Legarda, Vicente Sotto III, Bam Aquino, Pia Cayetano, at Cynthia Villar upang ibasura ang disqualification case na inihain ni Rizalito David.

Read: Senator Grace Poe disqualification complaint junked; mom Susan Roces ecstatic over SET's decision

CHANGE OF HEART? Marami ang nalungkot noong nagdesisyon si Mayor Duterte na huwag nang tumakbo bilang Pangulo sa 2016 elections.

Sa kanyang statement na ibinahagi sa Facebook noong October 16, sa last day ng filing ng certificate of candidacy (COC), sinabi ni Mayor Duterte na pagod na siya sa pulitika at gusto nang magretiro.

Aniya, “A little over two years ago, I posted in the government website over the Internet that I was not interested in the Presidency.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nothing has changed. I am comfortable where I am now.

"If Inday Sara would want it, she has the choice of running in 2016 or the next election. Personally, the earlier the better.

"I want to retire. I am tired. Give the presidency to the one who wants it. I don’t.”

Read: Mayor Rodrigo Duterte dashes hope of solid supporters: "I want to retire. I am tired."


Ngunit tila magbabago ng pasya ni Mayor Duterte dahil sa bagong kaganapang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN