Kris Aquino to her bashers: "I'm great at surviving..."

Sabi ni Kris Aquino, marami na siyang pinagdaanang pagsubok sa buhay pero lahat ng ito ay kanyang nalagpasan. Kaya naman daw nananatili siyang matatag ngayon at isa pa rin sa mga nangungunang taxpayers at pinagkakatiwalaang product endorsers sa bansa.


Nagparating ng bagong mensahe ang Queen of All Media na si Kris Aquino pagkatapos umani ng maraming batikos dahil sa kanyang “sunburn” Instagram post na itinuturing ng marami na pagiging “insensitive.”

Hindi kasi nagustuhan ng netizens ang pagkukumpara ni Kris sa kanyang tinamong sunburn—na dulot ng ilang oras na pagbabad sa araw sa idinaos na lunch para sa spouses ng APEC (Asia Pacific Economic Cooperation) leaders sa Intramuros, Manila, noong Huwebes, November 19—sa dinanas na sakripisyo ng mga kababayan dahil sa traffic.

Hindi raw ito magandang biro ayon sa ilan niyang Instagram followers na bumatikos sa kanyang naging post.

Read: Kris Aquino tagged "insensitive," "hopeless" by netizens over sunburn joke

“MATIBAY ANG MASAMANG DAMO…” Kagabi, November 20, muling nag-post sa kanyang Instagram si Kris at dito ay binigyang-pugay muna niya ang isang artikulo tungkol sa kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

Sabi ng TV host-actress, “About to sleep but my friend said to read this... Such a fair, positive & uplifting interview & article... Please find time to read it- sometimes it helps to see our president & his achievements through the eyes of our foreign neighbors... Ÿ‘"

Inilagay ni Kris ang link sa naturang artikulo: http://www.themalaysianinsider.com/malaysia/article/noynoy-aquino-and-the-great-philippines-turnaround

Pagkatapos nito ay ibinalita ng Kapamilya star na tumaas ang blood pressure niya, na posible raw ikatuwa ng kanyang bashers.

“Good news for all those who can't stand me yet keep reading up on me, and forwarding/commenting/are affected sa posts ko- taas ulit ang BP ko 140/90, so maybe you won't have to put up w/ me for much longer?

“But when I was conversing w/ Former President Ramos & asked about his good health & long life the other night (a strong & robust 87, he said 'matibay ang masamang damo')- so OMG baka I'll be around for 40+ more years? Ÿ˜‚”

Sabi pa ni Kris, ipanalangin daw ng kanyang bashers na maging matagumpay ang ilang asawa ng APEC leaders na makahanap ng lalaki na ima-match sa kanya para maglaho na siya sa paningin ng mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero if you really want to get rid of me, pray that Datin Rosmah of Malaysia or Madame Lee of Singapore will be successful in matching me w/ 1 of their countrymen- both said they'd be looking...  #PrayNyoNaParaHappyTayongLahat #SanaMapamigayNyoNaKo #SanaMayBonggangTumanggap Ÿ˜˜”


“I SURVIVED…” Kasunod na sabi ni Kris, marami nang pagsubok sa buhay ang kanyang napagtagumpayan simula noong nasa sinapupunan pa siya ng yumaong inang si dating Pangulong Cory Aquino hanggang ngayon.

“From infancy, I survived 7 years & 7 months of martial law na nakakulong ang Dad namin, I survived having him assassinated…

“I survived all the coup attempts when literally outside my bedroom window nagbabarilan, I survived falling from a 12 foot high stage…

“I survived being disowned by my family for a wrong choice of the heart, I was blessed w/ forgiveness & reconciliation w/ my family, I survived losing our Mom to cancer…

“I survived losing a big part of my savings & my sons' during my annulment, I survive as a single parent raising a child in the autism spectrum as well as an 8 year old who is even more opinionated than me, and I survived all the venom thrown at me on social media throughout the campaign & PNoy's presidency…”

Pagmamalaki pa ni Kris, lahat ng ito ay naging gabay niya upang magtagumpay sa buhay kaya naman patuloy siyang pinagkakatiwalaan ng mga produktong kanyang iniendorso.

“But I remain 1 of our country's top taxpayers, I still endorse & represent so many top brands & institutions, I've donated & built homes, schools, and Churches, and I've given numerous educational assistance to students & seminarians.

“In other words, I'M GREAT AT SURVIVING, been doing it my whole life.”

About to sleep but my friend said to read this... Such a fair, positive & uplifting interview & article... Please find time to read it- sometimes it helps to see our president & his achievements through the eyes of our foreign neighbors... Ÿ‘ http://www.themalaysianinsider.com/malaysia/article/noynoy-aquino-and-the-great-philippines-turnaround Good news for all those who can't stand me yet keep reading up on me, and forwarding/commenting/are affected sa posts ko- taas ulit ang BP ko 140/90, so maybe you won't have to put up w/ me for much longer? But when I was conversing w/ Former President Ramos & asked about his good health & long life the other night (a strong & robust 87, he said "matibay ang masamang damo")- so OMG baka I'll be around for 40+ more years? Ÿ˜‚ Pero if you really want to get rid of me, pray that Datin Rosmah of Malaysia or Madame Lee of Singapore will be successful in matching me w/ 1 of their countrymen- both said they'd be looking...  #PrayNyoNaParaHappyTayongLahat #SanaMapamigayNyoNaKo #SanaMayBonggangTumanggap Ÿ˜˜ (From infancy, I survived 7 years & 7 months of martial law na nakakulong ang Dad namin, I survived having him assassinated, I survived all the coup attempts when literally outside my bedroom window nagbabarilan, I survived falling from a 12 foot high stage, I survived being disowned by my family for a wrong choice of the heart, I was blessed w/ forgiveness & reconciliation w/ my family, I survived losing our Mom to cancer, I survived losing a big part of my savings & my sons' during my annulment, I survive as a single parent raising a child in the autism spectrum as well as an 8 year old who is even more opinionated than me, and I survived all the venom thrown at me on social media throughout the campaign & PNoy's presidency, but I remain 1 of our country's top taxpayers, I still endorse & represent so many top brands & institutions, I've donated & built homes, schools, and Churches, and I've given numerous educational assistance to students & seminarians. In other words, I'M GREAT AT SURVIVING, been doing it my whole life.)

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 20, 2015 at 4:59am PST


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN