Kris Aquino apologizes for "self-deprecating humor" in her "sunburn" IG post

Kris Aquino apologizes for her "sunburn" Instagram post last Thursday, November 19 (right photo), that drew flak among netizens and tagged her "insensitive" and "hopeless."


Humingi ng paumanhin ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa Instagram followers niya dahil sa kanyang “failed attempt at self-deprecating humor” sa nauna niyang post noong Huwebes, November 19.

Pahayag niya sa kanyang naging post kaninang umaga, November 21: “I humbly apologize for my failed attempt at self-deprecating humor Thursday night that came across as being spoiled & insensitive.

“I’M SORRY..."

Sinabi pa ni Kris na ipauubaya na lamang niya ang pagbibiro sa comedian-TV host at kanyang kaibigang si Vice Ganda.

“In the future I will leave the joking to Vice Ganda, PROMISE.”

Have a wonderful, stress free, love filled weekend ahead of you. #LoveLoveLove 

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) onNov 20, 2015 at 4:56pm PST

Sa nasabing Instagram post noong Huwebes ng gabi, ipinakita ni Kris ang kanyang natamong sunburn pagkatapos ng lunch program para sa mga asawa ng APEC leaders sa Intramuros, Manila.

Ikinumpara naman niya ang nakuhang sunburn sa dinanas ng commuters na nahirapang bumiyahe dahil sa traffic.

Saad niya sa caption ng nasabing post: “Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag-commute these past few days, patas ang mundo, patche-patche naman ang balat ko. #LaughterIsTheBestMedicine.”

Ang nasabing parte ng caption ay hindi nagustuhan ng maraming netizens at sinabihan ang Kapamilya TV host-actress na “insensitive” at “hopeless.”

Read: Kris Aquino tagged "insensitive," "hopeless" by netizens over sunburn joke

Kagabi, November 20, ay muling nag-post ang aktres at sinabing tumaas ang kanyang blood pressure na posible raw ay ikatuwa ng bashers niya.

Sa huli ay ipinarating niya sa mga ito na marami na siyang pagsubok sa buhay na kanyang napagtagumpayan.

Tinapos niya ang caption sa mga salitang: “In other words, I'M GREAT AT SURVIVING, been doing it my whole life.”

Read: Kris Aquino to her bashers: "I'm great at surviving..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN