Dennis Padilla laments zero communication with daughters Julia and Claudia: “Iyon siguro ang disadvantage kapag walang pera masyado ang tatay.”

Dennis Padilla (shown with Julia Barretto) feels frustrated he is going nowhere with his efforts to reach out to his daughters: “Actually, nagti-text ako at tumatawag pero walang reply. And eventually, yung hinapo [napagod] ka ba?”


Masaya si Dennis Padilla na hindi siya nawawalan ng trabaho.

Tatlo ang shows niya sa ABS-CBN, at dumarating pa ang movie offers.

“Nagsu-shooting na ako doon sa movie nina Alex Gonzaga at Edgar Allan Guzman na idinidirek ni Enrico Santos,” masigalng bungad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ngayong okey ang kita niya, nakakapagbigay ba si Dennis ng financial support sa mga anak niya sa dating asawang si Marjorie Barretto?

Ayon kay Dennis, “Hindi ko sila nahihiram kasi, e. At saka hindi ko na alam kung paano sila iri-reach out.

“So hindi ko alam kung paano ipapadala ang pera. Hindi ko alam kung paano ko sila tatawagan o iti-text.

“Actually, nagti-text ako at tumatawag pero walang reply. And eventually, yung hinapo [napagod] ka ba?”

UPDATE ON NAME CHANGE CASES. Wala na raw komunikasyon si Dennis sa anak na si Julia Barretto, kahit inakala niyang okey na sila bago ito mag-debut noong Marso.

Noong September 18, nag-withdraw na si Dennis ng kanyang opposition sa petition ni Julia na huwag nang gamitin ang Baldivia, ang tunay na apelyido ni Dennis.

Read: Dennis Padilla gives up legal battle with daughter Julia Barretto to retain his family name

Detalyadong kuwento niya, “Before nung debut, sinabi ni Julia na iwi-withdraw niya yung petition niya na tanggalin yung family name ko. And that was March.

“I was expecting more [good things sa kanila ni Julia] after the debut. Kasi before the debut, meron na kaming communication at nagkakausap kami tapos nagti-text.

“So after six months, wala namang withdrawal na nangyari so ako yung nag-withdraw. Kasi, kahit na manalo ako na dapat pa rin niyang gamitin ang family name ko, e, 18 na siya.

"She can still remove it dahil adult na siya at karapatan niya na magpalit ng family name. Kaya lang naman ako nag-oppose noong nakaraan, kasi minor siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Advance Christmas gift ko na yun kay Julia. Hindi ko lang alam kung natuwa siya. Kasi wala naman siyang tawag o text sa akin.

“Ang dami ko ring kinunang advice na mga nakatatanda sa akin. Nagtanong-tanong ako kung dapat ko pa bang ipaglaban yung apelyido ko, including my mom.

“Na ang sabi niya, 'Hayaan mo na, kasi 18 na si Julia. At kung ayaw niya na gamitin ang apelyido mo, huwag mong ipilit kasi baka lalo pang sumama ang loob sa ‘yo.' So tinanggal ko na.

“Ang ongoing case ko ngayon ay yung kay Claudia kasi 16 pa lang siya. Pero may balita ako na dinismiss na ng judge yun.

“So ang hahabulin ko na lang ay makakuha ako ng kopya at maipakita ko sa eskuwelahan ni Claudia na Everest International School na ibalik sa Baldivia ang apelyido niya.

"Kasi right now, they changed the family name to Barretto.

“Noong graduation ni Claudia sa Everest, I was not invited pero naka-attend ako by surprise. Kasi yung magulang ng isa sa kaklase niya, kakilala ako at sinabihan ako na mag-attend.

“Noong nagpunta ako, binigyan ako ng teacher ng program at doon ko nakita na Claudia Barretto [siya]. Kaya nagtaka ako bakit Barretto.

"Pero yung teacher, nung i-approach ako, Mr. Baldivia ang tawag sa akin.”

HASTY EXIT. Patuloy niya, “Dahil summa ang loob ko doon, hindi ko tinapos ang graduation. May award kasi si Claudia para sa football. So nung nakita kong sinabitan ng medal, um-exit na ako.

“Pero nakita ako ni Claudia. I called her para magkaroon kami ng picture.

“Nung umpisa, may apprehension siyang lumapit sa akin. Kasi nagulat siya na parang… 'Paano kaya nalaman ni Papa?'”

FINANCIAL MATTERS. Marami pa rin ang nagtataka at nagtatanong kung bakit ganoon ang relationship nila Dennis at ng kanyang mga anak samantalang dati ay okey sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May opinyon si Dennis tungkol dito.

“I don’t know. Iyon siguro ang disadvantage kapag walang pera masyado ang tatay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN