Kris Aquino chooses not to run away from "bullies" on social media

Pagkatapos ng isyu kung saan binatikos siya dahil sa pagkukumpara ng kanyang sunburn sa hirap na pinagdaanan ng Pinoy commuters, mas naging aktibo ngayon si Kris sa pagsagot sa kanyang followers sa Instagram. “Made the mistake before of hiding from the bullies—not anymore…”


Sa halip na umiwas muna sa social media matapos ang isyung kinasangkutan, mas naging masigasig pa ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa pagsagot sa kanyang followers sa Instagram.

Noong nakaraang Huwebes, November 18, nag-post si Kris sa Instagram tungkol sa natamo niyang sunburn mula sa paghu-host ng isang event para sa mga asawa ng world leaders na dumalo sa APEC (Asia Pacific Economic Convention).

Nagbiro pa siya ng “quits na tayo” para sa commuters na naperhuwisyo ng ilang araw dahil sa pagsasara ng ilang kalsada para sa APEC.

Read: Kris Aquino tagged "insensitive," "hopeless" by netizens over sunburn joke

Hindi nagtagal ay humingi ng paumanhin si Kris sa mga taong hindi nagustuhan ang kanyang "sense of humor."

Pero sa kanyang mga sumunod na Instagram posts nitong weekend, naging aktibo si Kris sa pagsagot sa ilang netizens na nagko-comment sa kanyang posts—mula sa pagpapasalamat sa fans at tagasuporta niya, hanggang sa pagku-comment sa mga simpleng bagay, at pagsagot sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Isang netizen ang nagsabi na sana ay matapos na ang isyu matapos humingi ng sorry ni Kris—totoo man ito o hindi, o napagsabihan man o hindi.

Sagot naman ni Kris, tapat siya sa pagbibigay ng apology at hindi siya napagsabihan ninuman.

Aniya, “At 44 years old, I have gained enough wisdom to explain & apologize.”

Bilang tugon, nagbigay si Kris ng isa pang dahilan kung bakit naisipan niyang sumagot sa kanyang IG followers.

“I realized I have this gift, I can make people happy—so why not use it? So now I’m replying because I know I’ll make you happy.”

Nagpaliwanag din si Kris kung bakit mas pinili niyang huwag burahin ang kontrobersiyal niyang post na naging dahilan para batikusin siya ng netizens.

Depensa pa ni Kris sa isang sagot sa isang netizen, hindi kabawasan sa kanyang pagkatao ang aminin ang isang pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isa namang netizen na pinayuhan siyang maging masaya na lamang, sinabi ni Kris na sa kabila ng nangyaring isyu ay masaya pa rin siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN