Dingdong Dantes on arrival of Maria Letizia: "I witnessed a miracle."

Wala pang tatlumpong minuto mula nang i-post ni Dingdong Dantes sa Instagram ngayong Lunes, November 23, ang litrato ng kamay ng kanilang anak ni Marian Rivera na si Maria Letizia, pero umabot na kaagad sa limang libo ang likes nito. Sabi ni Dingdong: “Friends, say hello to our Maria Letizia.”


Labis-labis ang kasiyahan ni Dingdong Dantes sa pagdating ng kanilang panganay na anak ng asawang si Marian Rivera ngayong araw, November 23—si Maria Letizia.

Read: Marian Rivera and Dingdong Dantes welcome their first child, Maria Letizia

Ilang oras pagkatapos magsilang ni Marian, nag-post na si Dingdong ng unang larawan ni Maria Letizia sa Instagram.

Hindi pa ipinakita ng tinaguriang GMA Primetime King ang mukha ni Maria Letizia kundi kamay pa lamang nito.

Pero nabulabog na ang fans ng mag-asawa sa pagsasabing kamay pa lamang daw ay tiyak na maganda na ang kanilang supling.

Itinuturing naman ng Kapuso Primetime King na "miracle" sa kanila ang pagdating sa mundo ng kanilang prinsesa.

Sabi niya, "Twenty-three November, 2015: The day God decided to deliver His most precious gift.

"This morning, I witnessed a miracle...and during that moment, I realized that my life would never be the same again.

"As we welcome this new graceful chapter with open hearts, we thank everyone who prayed with us through this sweet journey. Friends, say hello to our Maria Letizia. @therealmarian."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN