Martin del Rosario on closeness with Kylie Padilla: “Siguro ini-enjoy lang namin kung anong meron kami ngayon.”

Ayaw raw muna ni Martin del Rosario na i-level up ang anumang mayroon sila ngayon ni Kylie Padilla. Magkasama raw kasi sila lagi sa taping ng Buena Familia kaya gusto niyang hindi sila magkaroon ng ilangan. Sabi ni Martin, “Ayokong magkaroon ng awkward moment, mag-aaway.”


Inamin ng Kapuso actor na si Martin del Rosario na sobrang close sila ng kanyang Buena Familia co-star na si Kylie Padilla.

Masaya raw siya kapag nagkakasama at nagkakausap sila.

Kuwento ni Martin, “Sobrang close talaga kami ni Kylie.

"Siguro yung friendship namin lumalalim dahil every time na nagkikita kami, nag-uusap kami ng mga personal na bagay, about sa craft namin.

"Siguro sobrang kumportable namin sa isa’t isa.

"May mga bagay na alam ko sa kanya na hindi alam ng maraming tao.

“Ano talaga kami, very intimate, close.”

Sa hiwalay na panayam kay Kylie, sinabi nitong gusto niya si Martin dahil matalino raw ito.

Read: Kylie Padilla admits she likes Martin del Rosario; not bothered by rumors about his sexuality

Nanligaw na nga ba si Martin kay Kylie?

Sagot ng aktor, “Kasi ayokong manligaw na… nasa trabaho pa kami, nagti-taping pa kami.

"Ayokong magkaroon ng awkward moment, mag-aaway.

“Siguro ini-enjoy lang namin kung anong meron kami ngayon, yung friendship.

"Masaya kaming dalawa."

Sa ngayon daw, mas okay ang relasyon nilang walang label.

“Ayaw naming lagyan ng label, e.

"Kasi kapag may label na parang manliligaw ako, parang mag-i-expect na magyi-yes or magnu-no.

"So, magkakaroon ngayon ng limits pag nilagyan namin ng label.

“So, ngayon, mas mabuti na yung okay kami sa isa’t isa.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa ginanap na birthday charity nito sa New Hope SpEd Learning Center, sa East Kamias, Quezon City, ngayong Martes, November 24.

VERY SIMPLE. Ano ba ang mayroon si Kylie na gustung-gusto niya?

Nakangiting tugon ni Martin, "Si Kylie ay ibang klase ng tao.

"Isa siya sa pinakatotoong tao na nakilala ko.

"Matalino din, malalim mag-isip.

"Super-lalim mag-isip na nakakasabay ako.

"Kasi ano siya, e, very deep makipag-usap.

"Ako, gusto ko yung mga ganung kausap.

“At saka ang gusto ko talaga ay very simple siya, parang hindi nga niya alam na ang ganda-ganda niya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero makapagluko-luko 'yan sa set, nakakatawa.

“At mabait.”


MARTIN AT 23. Bukas, November 25, ang ika-23 kaarawan ni Martin.

Wala man siyang magarbong selebrasyon, pero magkakaroon daw sila ng maliit na salu-salo sa bahay.

Ano naman ang wish niya sa kanyang birthday?

“Sana magkaroon pa ng maraming work, projects. Kasi this year, maganda ang pasok ng taon.

"Sana next year ay ganun din ulit," asam ni Martin.

Isa siguro sa naging early birthday gift kay Martin ang pagkaka-extend ng Buena Familia hanggang February 2016.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN