Dingdong Dantes says birth of Maria Letizia is "most precious moment" of his life

Dingdong Dantes on the birth of his daughter Maria Letizia: "Talagang masasabi ko sa sarili ko na naka-witness ako ng isang miracle! Nagkaroon siya ng buhay sa mga mata ko, I really saw it, paglabas and narinig ko yung pag-iyak. At talagang pinaka-precious na moment sa kasaysayan ng buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan."


Sa unang pagkakataon ay nagpaunlak ng panayam ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes isang araw pagkatapos isilang ng kanyang misis na si Marian Rivera ang kanilang panganay na anak na si Maria Letizia.

Read: Marian Rivera and Dingdong Dantes welcome their first child, Maria Letizia

Nakausap ni Nelson Canlas ng 24 Oras si Dingdong sa Marco Polo Club sa McKinley, Taguig City, ngayong Martes, November 24.

Sa nasabing lugar ginanap ang pormal na pagpapahayag ng suporta ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa #NowPh campaign ng National Youth Commission, kunsaan si Dingdong ang tumatayong commissioner-at-large.

Katulad ng naging pahayag ni Dingdong sa kanyang Instagram account, sinabi ng 35-year-old actor na para siyang nakaranas ng milagro nang personal niyang masaksihan ang pagsilang ng anak na si Maria Letizia kahapon, November 23.

Masayang saad ni Dingdong, "Wow, e, talagang masasabi ko sa sarili ko na naka-witness ako ng isang miracle!

“Nagkaroon siya ng buhay sa mga mata ko, I really saw it, paglabas and narinig ko yung pag-iyak.

“At talagang pinaka-precious na moment sa kasaysayan ng buhay ko na hinding-hindi ko makakalimutan.”

Mas naging alerto raw si Dingdong dahil tiniyak niyang maayos ang kalagayan ng kanyang mag-ina bago ang emosyon niya.

"Siyempre, gusto kong masiguro na maayos sila pareho," sambit niya.

Nagpapasalamat naman si Dingdong sa lahat ng nagdasal para sa kaligtasan ng kanyang mag-ina, dahil pareho raw nasa maayos na kalusugan ngayon sina Marian at Maria Letizia.

“Sa awa ng Diyos, sinagot naman ang lahat ng dasal na walang kumplikasyon sana.

“And so far, sa mga assessment test, she's doing fine.”

LOOKALIKE. Hindi pa ipinapakita nina Dingdong at Marian sa publiko ang mukha ni Maria Letizia.

Tanging ang isang kamay pa lamang ng kanilang supling ang ipinasilip ni Dingdong sa kanyang Instagram account kahapon.

Pero sino nga ba ang kamukha ni Maria Letizia sa kanilang mag-asawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Dingdong, "Alam mo, nag-iiba every hour.

“Never naging ganun ka-busy ang camera ko, phone ko.

"Every hour, pinipiktyuran siya.

“Masasabi ko, more kamukha ni Marian, lalo na yung ilong.”

Ang tanong: Kailan naman kaya makikita ng lahat si Maria Letizia?

Nakangiting sabi ni Dingdong, "Well, sa tamang pagkakataon siguro.

“Hindi naman dapat sadyain. Tingnan natin.

"Sa ngayon kasi, ang focus talaga, yung kanilang health, yung kanilang safety.

“And siguro from there, we will find the appropriate opportunity.

"Sa ngayon kasi, overwhelmed pa kami sa saya.

“Later on, of course, maipapakita na natin si Maria Letizia sa lahat."

OFF TO PARIS. Ngayong isa nang ama si Dingdong, hindi maiiwasang may mga bagay nang mababago sa kanyang buhay.

Saad niya, "Well, gaya rin ng sinabi ko, magmula sa araw na yun, nagbago na magmula sa mga pananaw, sa mga gagawin ko sa buhay ko.

"From that point onward, katulad na lang halimbawa sa mga ginagawa ko, advocacies and the things that I do for myself, mas nagkakaroon ng meaning.

"Dahil, later on, ang makikinabang talaga sa lahat ng ito ay ang anak ko at ang pamilya ko more than myself."

Kinumpirma rin ni Dingdong na matutuloy siyang pumunta sa Paris para sa U.N. Climate Change Forum.

Nagkausap na raw sila ni Marian tungkol dito.

“And para sa akin, mahalaga rin para sa anak namin na malaman niya later on, sa isang makasaysayang event na dumalo kami, dumalo ako na ang ipinaglalaban namin dito ay para sa kinabukasan niya."

Ganunpaman, aminado si Dingdong na mahirap para sa kanya ngayon ang umalis at iwan ng ilang araw ang kanyang mag-ina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN