Vandolph: “Karen Davila humiliated my mom on national television.”

Para kay Vandolph, hiniya ng ABS-CBN broadcaster nasi Karen Davila ang kanyang inang si Alma Moreno nang mainterbyu nito ang aktres noong November 11 sa isang news program sa ANC.


Naglabas ng kanyang saloobin si Vandolph kaugnay ng kinahinatnan ng panayam ng kanyang inang si Alma Moreno sa programa ni Karen Davila na Headstart ng ABS-CBN News Channel (ANC) noong November 11.

Si Alma ay tumatakbong senador sa May 2016 elections.

Sa nasabing panayam, tinanong ni Karen si Alma tungkol sa iba't ibang isyu tungkol sa lipunan; kagaya ng Reproductive Health Bill, same-sex marriage, Bangsamoro Basic Law, diskriminasyon, at pagbabawas ng buwis.

Marami ang hindi nakuntento sa mga sagot ni Alma at may mga pagkakataong nagkaroon ng “awkward moments,” dahilan upang kutyain ng ibang netizens ang actress-politician.

Ginawan pa ng memes ang nasabing interview kung saan pinagmukhang katawa-tawa si Alma.

Read: Alma Moreno hurt by bashing over ANC interview with Karen Davila

Sa panayam sa kanya ni Dolly Anne Carvajal, na lumabas sa Philippine Daily Inquirer nitong araw, November 25, nagsalita si Vandolph tungkol sa isyu.

Pahayag niya, “Karen should not choose whom to respect. She should treat her guests equally.

"The way she interviewed my mom was different."

Naniniwala rin si Vandolph na ipinahiya ng ABS-CBN news anchor ang kanyang ina.

“Karen humiliated my mom on national TV. She kept pounding [on her].

"She let my mom get rattled.

“My mom deserves to be respected because she is the chair of PCL [Philippine Councilors League], and she has been serving the country for so long.

“My mom is … [a person of] action and not just words.

"Some politicians are good speakers. They sweet-talk us to the point that they fool us and do corrupt things.

"My mom is not like them!"

Si Vandolph, , na tatakbo namang konsehal sa Parañaque City sa susunod na taon, ay anak ni Alma sa yumaong Comedy King na si Dolphy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN