Shaira Mae clueless over TV5’s decision to pair Mark Neumann with other leading ladies

Wala naman daw problema kay Shaira Mae ang pagbuwag ng TV5 sa tambalan nila ni Mark Neumann. Naniniwala siyang alam ng kanyang home network ang ginagawa nito para sa kanilang talents.


Hindi raw alam ni Shaira Mae ang dahilan kung bakit binuwag na ng TV5 ang tambalan nila ni Mark Neumann—ang ShaRk.

Marami nang proyektong pinagsamahan ang dalawa. Pinakamalaki na rito ang ilang Wattpad episodes at ang Philippine adaptation ng Baker King.

Kaya naman sila ang tinaguriang “Prince at Princess of Kilig” ng Kapatid Network.

Sabi ni Shaira tungkol dito, “Oo, e. Pero wala talaga akong alam.

"Wala akong idea pa, hindi pa ako mini-meet about that.

"Medyo clueless pa ako."

Pero naniniwala naman daw ang 20-year-old actress na may magandang plano ang istasyon sa kanila.

“For sure naman yun, alam naman ng TV5 yung ginagawa nila. I trust them naman.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Mark na maganda naman ang naging pangangalaga sa kanila ng Singko kaya ipinagkakatiwala nila rito ang magiging takbo ng kanilang mga karera.

Read: Mark Neumann accepts TV5's decision to pair him with leading ladies besides Shaira Mae

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Shaira sa launching ng una nitong endorsement, ang Caronia Nail Polish, nitong Huwebes, November 26.

Sabi ni Shaira, masaya siya at napili siya ng naturang brand na maging endorser at sana raw ay masundan pa ito.

THREE YEARS WITH EA. Bukod sa masaya si Shaira na nagkaroon na siya ng endorsement, maligaya rin ang dalaga dahil nananatiling matatag ang relasyon nila ng boyfriend na si Edgar Allan Guzman.

Tatlong taon na ang relasyon ng dalawa, na nagkasama noon sa ilang proyekto sa TV5 bago lumipat si EA sa ABS-CBN.

“Siyempre, masaya siya. Masaya siya para sa akinm” sambit ni Shaira.

Matipid na ang dalawa ngayon kapag natatanong tungkol sa kanilang relasyon.

Pagdating naman sa kani-kanilang trabaho, wala raw silang pakialaman.

Paliwanag ni Shaira, “Oo, dapat ganun talaga para maabot natin yung anong gusto nating mangyari, di ba? Yung goal natin sa career.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN