Felix Roco mum on how reconciliation with dad Bembol happened

Felix Roco's appeal to the press: “Sana po ay naiintindihan ninyo. Never naman akong nagkukuwento tungkol sa mga nangyari sa family namin kaya sana ay maintindihan ninyo.”


Ayaw idetalye ni Felix Roco ang mga pangyayari sa likod ng pagkakayos nila ng kanyang ama na si Bembol Roco.

Sa press conference ng pelikulang Angela Markado noong November 24, nakiusap si Felix na huwag na lang ungkatin ng media ang naging pag-uusap nilang mag-ama.

“Pasensiya na po, pero hangga’t maaari, I don’t want to talk about it in public.

“It’s a very private and personal thing between me, my brother, and my dad.

“Sana po ay naiintindihan ninyo.

“Never naman akong nagkukuwento tungkol sa mga nangyari sa family namin kaya sana ay maintindihan ninyo.”

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni Bembol na hangad niyang maibalik ang closeness nila ng kanyang kambal na anak na sina Felix at Dominic.

Nagpapasalamat ang aktor na binigyan siya ng pagkakataon ng kanyang mga anak na maayos ang relasyon nila.

Read: Bembol Roco settles long-standing rift with twin sons Felix and Dominic


Diin naman ni Felix, “Hindi naman po madaling ibalik ang lahat, e.

“Marami kasi kaming pinagdaanan.

“But we appreciate the effort that our dad gave para, at least, magkausap kami nang maayos.”

Magkasama sina Bembol at Felix sa remake ng classic film na Angela Markado, na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann sa ilalim ng direksyon ni Carlo J. Caparas.

Pero wala raw eksena si Felix na kasama ang kanyang award-winning actor-dad.

“We had different scenes po kasi.

“Magkaiba ang mga locations namin at hindi pareho ang shooting days din namin.

“Kaya hindi kami nagkita sa set or nagkasama sa isang scene.

“Most of my scenes kasi are with Andi, Paolo Contis, Polo Ravales, Epy Quizon, and C.J. Caparas.”


RAPE SCENE WITH ANDI EIGENMANN. Gumaganap si Felix bilang isa sa mga rapist ni Andi sa pelikula.

Naging maingat daw si Felix sa rape scene niya with Andi.

“Kilala ko naman si Andi at nag-uusap kami before Direk Carlo Caparas shot our scenes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi ko naman kay Andi na kailangan maging rough ako nang konti sa eksenang ito, pero pag-iingatan ko siya.

“Ang maganda kay Andi, she’s very professional.

“Kahit alam mong nahihirapan siya sa eksena, wala kang maririnig na complaints sa kanya.

“I always ask naman kung okey ba siya o nasaktan ko na ba siya.

"She would always say that she’s good at kaya pa niya."

LOVELESS. Aktibo si Felix sa mga trabaho niya sa TV at pelikula kaya wala raw siyang time manligaw.

Saad niya, “Ganun po talaga, e. Mas priority po natin ang trabaho.

“Yung pagkakaroon ng girlfriend naman, madali lang naman.

“Ang trabaho ang medyo mahirap makakuha dahil maraming mga bago ngayon.

“I am just thankful na hanggang ngayon, kahit na marami ng mga bagong artista, nabibigyan pa rin tayo ng trabaho.”

Masaya naman si Felix na maganda ang takbo ng singing career ng ex-girlfriend na si Glaiza de Castro.

“Kami naman ni Glaiza, we’ve been good friends ever since.

“Alam ko na dream niya ang magkaroon ng album na siya ang mag-produce at [maglabas] ng mga songs na siya ang magsusulat.

“It happened naman, di ba? And the album is doing great.

“Ngayon, she’s busy with her shows abroad.

“Kaya nakakatuwa ang mga nangyayari kay Glaiza and I always wish her the best sa kanyang career.

“We’ve been friends for so many years now and all her dreams are coming true. She truly deserves it all.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN