Buboy Villar on winning Achievement in Acting award in Guam International Filmfest: “Nakakatuwa 'no, kasi international siya.”

Ikinatuwa nang husto ni Buboy Villar ang nakamit niyang tagumpay sa 5th Guam International Film Festival, kunsaan ginawaran siya ng Achievement in Acting (Best Actor) award para sa kanyang performance sa pelikulang Kid Kulafu. Nangako itong lalo pang pagbubutihan ang kanyang pag-arte sa susunod niyang mga proyekto.


Isang karangalan para kay Buboy Villar ang magawaran ng Achievement in Acting (Best Actor) award sa 5th Guam International Film Festival nitong nakaraang Oktubre.

Tinalo ni Buboy ang maraming entries mula sa iba't ibang bansa.

Sabi niya, “Nakakatuwa 'no, kasi international siya.

"Bihira sa mga Pinoy ang makakuha ng mga ganung award lalo na sa Achievement in Acting. Parang Best Actor na kasi siya.

"So nakakatuwa, kasi ang daming nagpasa ng entries sa Guam, tapos pelikula pa naming Kid Kulafu ang napili.

“Actually, dalawang Pinoy film ang nakapasok, Kid Kulafu at ang That Thing Called Tadhana. Nakakuha din sila ng award."

Napanalunan ng That Thing Called Tadhana ang Best Narrative Feature.

Read: Buboy Villar, That Thing Called Tadhana win in Guam International Film Festival

Dagdag ni Buboy, “Nakakatuwa. Tapos ito pa...

“Napili yung Kid Kulafu bilang Student’s Choice Award [Best Film] sa CMMA [Catholic Mass Media Award].”

Kaya naman maituturing daw ng 17-year-old actor na taon niya ang 2015.

“Itong taon na ito maituturing ko na blessed ako nitong taon na 'to.

"At ini-expect ko na sana next year din ay marami pang blessings na darating at pinagpi-pray ko yun.

“Gumawa na ako ng mga magandang roles, at ini-expect ko na marami pang magagandang roles ang darating sa akin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Buboy sa presscon ng Ultra Proactive Marketing Incorporated, ang nagmamay-ari ng ini-endorso nitong produkto na NutriFit Meal with Choco Flavor.

Para kay Buboy, maganda itong substitute sa anumang pagkain dahil 200 calories lang daw ang laman ng NutriFit.

DOING HIS BEST. May mga nakalinya na raw na proyekto para kay Buboy.

Pero hindi pa niya puwedeng i-detalye ang mga ito kasi baka daw ito maunsiyami.

Pangako ni Buboy, “Sisiguraduhin ko na lahat ng mga mapapanood sa akin ng mga tao ay hindi si Buboy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung nakilala nila [ako] bilang Kid Kulafu, kung merong mga dadating na ibang role, siguradong hindi si Kid Kulafu, hindi si Buboy, kundi ibang karakter na mas magaganda ang makikita nila.”

Tungkol naman sa kanyang pag-aaral, nag-avail daw si Buboy ng Alternative Learning System (ALS) ng DepEd (Department of Education) para maka-diretso siya agad sa college kapag maipasa niya lahat ng subjects.

Pagtuntong niya sa college, kukuha daw si Buboy film directing course.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN