James Reid fan refutes allegations against OTWOL actor

May isang fan ni James Reid ang nag-imbestiga diumano tungkol sa pangyayari noong madaling-araw ng November 23 sa isang bar sa The Fort. Nalaman niya mula sa kanyang pagtatanung-tanong na totoo ngang hindi nagpa-picture si James sa isang fan, pero ito ay dahil pagod daw ang aktor at hindi dahil sa nakikipaglandian diumano ito kay Julia Barretto.


Totoo raw talagang tumanggi si James Reid na magpa-picture sa isang fan na nagngangalang Inah Evans.

Pero hindi dahil nakikipaglandian ito kay Julia Barretto kundi pagod lang daw talaga ang Kapamilya actor.

Ito ang ipinaabot na mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang JaDine fan nina James at Nadine Lustre.

Nag-imbestiga diumano ang nasabing fan kaugnay ng pangyayari noong madaling-araw ng November 23, kung saan nang-isnab diumano ang On The Wings Of Love (OTWOL) star ng isang fan, na nagngangalang Inah Evans, na nais magpa-picture dito.

Read: James Reid allegedly seen romancing Julia Barretto in a restaurant; fan gets wildly bashed


JAMES NOT ROMANCING JULIA. Sabi sa Instagram post ni @jadinefanlove kahapon, November 30: “Para sa lahat ng gustong malaman yung totoo, pinuntahan namin ng friend ko, isa sa mga chef which is friend nya kasi nakatrabaho nya dati, now presently working sa the bowery.

“Last night, pinuntahan talaga namin yung resto huh kasi naiintriga din sya about sa issue na yan and of course me as her friend na super fan ni james at nadz, pumunta kame.

“And according to our investigations… TRUE po about EVANS issue na tumanggi c james magpa-picture HINDI dahil nakikipag-flirting sya kay Julia kundi nakikita daw nila na pagod ang aura that night na nakaupo lang kumakain sa gustong mag-relax kasama ang mga kabarkada.”

Sinabi rin ng naturang JaDine fan na nandoon din sa lugar sina Bret Jackson, Sam Concepcion, at Julia Barretto.

“Andun si Bret Jackson, Sam Concepcion which is katabi si Julia B.. na parang si Sam C pa raw ang sweet kay Julia b.

“Parang napahiya daw si evans sa barkada kasi pumunta lang sya dun para magpa-picture tapos d pumayag si james.

“Yun ang kwento ni chef sa amin last night okay na sa akin at least totoo nga na andun sila, hindi napa-picture pero hindi nagki-kissing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“sabi nga ni chef pag-alis ng group ni evans, umalis na din si sam at Julia at naiwan c james at bret na nag-uusap lang.”

Kinuha ng PEP ang panig ni Inah tungkol sa post na ito ng isang JaDine fan.

Pinanindigan niya ang kanyang mga naunang pahayag.

Sabi niya, “Nope, not true. Bret wasn't even there pagpunta namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN