Chito Miranda stands by Mayor Duterte amid cursing controversy

Chito Miranda weighs in on Duterte's controversial Pope Francis remark: “Di naman ganun katanga si Duterte para murahin niya si Pope sa context na pinapalabas ng ibang tao."


Nagbigay ng reaksiyon ang Parokya Ni Edgar vocalist na si Chito Miranda kaugnay ng pagmumura ng presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Pope Francis.

Sa kanyang talumpati matapos maideklara ang kanyang kandidatura sa pagka-Pangulo sa 2016 elections, nabanggit ni Duterte ang kanyang pagkadismaya sa sitwasyong pantrapiko sa Metro Manila nang dumating ang Santo Papa sa Pilipinas noong Enero.

Dahil sa matinding trapik, nasabi raw ni Duterte: “Pope, p— ina ka, umuwi ka na. 'Wag ka nang bumisita dito.”

Umani ng iba't ibang reaksiyon ang kontrobersiyal na pahayag na ito ni Duterte.

May ilang nadismaya sa presidential aspirant; may ilang din namang tinanggap ito bilang sarkastikong pahayag lamang.

Read: Mayor Rodrigo Duterte owns up to cursing Pope Francis in his speech

Para naman kay Chito, hindi siya na-offend sa kontrobersiyal na pahayag ni Duterte.

Sa kanyang Facebook post ngayong Martes ng umaga, December 1, sabi ng frontman ng Parokya ni Edgar, “Di naman ganun katanga si Duterte para murahin nya si Pope sa context na pinapalabas ng ibang tao.”

Dagdag pa niya, “As I said before, alam ko hindi sya santo. And as I also said before, I don't always agree with everything Duterte says or does...but I still firmly believe that he is what our country needs.”

Sa kabila ng kontrobersiyang ito, patuloy pa rin ang paniniwala ni Chito sa hangarin ni Duterte.

“Gusto nya talaga ayusin ang Pilipinas.

“His plans go beyond 'killing pushers and rapists' as others limit and dismiss his capabilities to.

“Tingin ko hindi nya rin papabayaan makalusot yung mga kurakot na pulitiko at mga kalokohan na nagaganap sa iba't-ibang gov't agencies.”

Hmmm.I value my faith more than anything, even my country.I love and respect the Pope a lot more than Duterte.Pero...

Posted by Alfonso Miranda Jr on Monday, November 30, 2015

Sa kabilang banda, sa kanyang Twitter account, ipinaliwanag ni Chito ang kanyang opinyon tungkol sa isyu.

Aniya, “Di ko sinasabi na maganda yung sinabi niya pero I don't think that Duterte was attacking our Pope, nor our religion.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito pa ang ilang niyang paliwanag tungkol sa isyu:

Question: Do you honestly think na minura ni Duterte si Pope dahil galit sya kay Pope at sa religion for which our Pope stands for? #analyze

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) November 30, 2015

I think he used a bad anecdote involving our Pope (paired with a foul mouth) to point out the problem re traffic. Kaya madaming na-offend.

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) November 30, 2015

Di ko sinasabi na tama. He needs to be more sensitive. Madami talagang na-offend. Pero I don't think yung religion natin yung tinitira nya.

— Alfonso Miranda Jr (@chitomirandajr) November 30, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN