Sen. Grace Poe disappointed with Comelec's decision to disqualify her

Senator Grace Poe on Comelec's decision to disqualify her in the presidential race: “I maintain that I am a natural-born Filipino and have complied with the ten-year residency requirement based on settled applicable jurisprudence."


Dismayado ang presidential candidate na si Senator Grace Poe sa naging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na idiskwalipika siya sa 2016 elections.

Ang desisyon ng Comelec second division ay bunga ng hindi raw pagiging natural-born Filipino ni Sen. Poe.

Nabigo raw ang senadora na mabuo ang 10-year residency requirement ng Constitution para sa mga tatakbong pangulo ng bansa.

Ayon sa desisyon ng Comelec, naging residente lamang ng Pilipinas si Sen. Poe noong July 2006 matapos mag-appy ng dual citizenship.

Ibig sabihin nito ay kulang siya ng dalawang bago maabot ang 10-year recidency rule.

Read: Sen. Grace Poe disqualified by Comelec from 2016 presidential race

Nanindigan naman si Sen. Poe na isa siyang natural-born Filipino sa pahayag na nailathala sa kanyang Facebook account ngayong gabi, December 1.

Aniya, “I maintain that I am a natural born Filipino and have complied with the ten-year residency requirement based on settled applicable jurisprudence.”

Binatikos din ng senadora ang mga taong sa tingin niya ay pilit siyang tinitira para matanggal sa mga opisyal na kandidato sa pagkapangulo.

“My critics will use any excuse to exclude me, much like they tried to do when FPJ ran for president, and in the process disenfranchising the people as well.

“They show a lack of trust in the ability of Filipinos to make the right decision.”

Sa kabila ng naging desisyon ng Comelec, ipagpapatuloy raw ni Sen. Poe ang kanyang laban para sa “foundlings” na tulad niya.

“I have faith in the process, and we are confident that the Comelec en banc will side with the interest of the people. #‎LabanPOE2016€,” saad ni Sen. Poe sa kanyang opisyal na pahayag.

Narito ang kabuuang pahayag ni Sen. Poe tungkol sa pagkakadiskwalipika niya:

I am disappointed in the decision of Comelec's 2nd Division, but this is not the end of the process. We will continue to...

Posted by Grace Poe on Tuesday, December 1, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN