Enzo Pineda and Aljur Abrenica settle past issue: "Wala na. Inayos na namin."

Enzo Pineda on how he and Aljur Abrenica patched things up: "Siguro through time, habang tumatagal, mas nagma-mature kami. Itong mga bagay na nangyari, like for me ha, hindi na dapat pinoproblema ang mga ganyan."


Magkasama ang Kapuso stars at StarStruck alumni na sina Enzo Pineda at Aljur Abrenica sa pelikulang Hermano Pule.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Enzo at Aljur noong 2014 dahil sa pagkakaugnay ni Aljur sa ex-girlfriend ni Enzo na si Louise delos Reyes.

Usap-usapang may namagitan kina Aljur at Louise na siyang naging dahilan ng breakup ng young actress at ni Enzo.


Read: Louise delos Reyes and Enzo Pineda split because of Aljur Abrenica?

Marami raw eksena sina Enzo at Aljur sa Hermano Pule dahil magkaibigan ang mga role nila rito.

Hindi ba “awkward” para kay Enzo na magkasama sila ni Aljur sa isang proyekto pagkatapos ng isyung kinasangkutan nila?

Sagot niya, “Well, me and Aljur are friends—now.

"Maayos naman na ang lahat.

“Well, I do find it weird and funny na parang ipinapakita siguro na bilog ang mundo, maliit lang ang mundo, at magkakataon na magkakatrabaho talaga kami kahit na ano pa ang mangyari.”

Hindi ba nag-alinlangan si Enzo na tanggapin ang indie movie?

Tugon niya, “Hindi na ako nagkaroon ng alinlangan o apprehension nang i-offer na magkasama kami [ni Aljur].

“At saka, sayang ang role, e, Octavio, second lead. Ang daming mangyayari sa character ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa presscon ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA Network, ang Because of You, noong nakaraang linggo.

SETTLED. Wala na bang ilangan sa kanila ni Aljur?

Paniniguro ni Enzo, “Wala na. Inayos na namin.

“At saka, naayos din.

"Siguro through time, habang tumatagal, mas nagma-mature kami.

"Itong mga bagay na nangyari, like for me, ha, hindi na dapat pinoproblema ang mga ganyan.

“Mas marami ka pang mga problema sa buhay na mas malaki at dapat isipin.

"Yung relationship naman, it’s just there. Kung hindi nag-work, e, 'di nag-work.

“May mahahanap at mahahanap na iba na okey naman sa ‘yo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Enzo, okey na rin sila ng dating girlfriend na si Louise, at civil sila sa isa’t isa kapag nagkikita.

“Hi and hello,” nakangiting sambit pa niya.

Mahigit isang taon naman na ang relasyon ni Enzo sa kanyang non-showbiz girlfriend.

LOVE TEAM WITH JOYCE CHING. Samantala, halatang kumportable at masaya si Enzo at ang kaparehang si Joyce Ching sa isa’t isa.

“EnJoy” ang bansag sa love team nila sa Because of You.

Puwede bang magkagusto si Enzo kay Joyce kung wala siyang girlfriend?

“Kung wala, oo,” mabilis na sagot ni Enzo.

Paliwanag niya, “May mga qualities si Joyce na naa-admire ko.

"Masarap kasama si Joyce. Relax lang.

"At yung personality ko kasi, medyo chill lang.

"Kaya kapag kasama ko siya, magaan siyang kasama.

“Yung mga jokes namin, medyo weird, pero palaging may sense.

"Kaya yun ang number one para sa akin sa isang babae.

“Of course, sa umpisa lang yung nag-e-enjoy kayo, have fun.

"Pero at the end of the day, si Joyce yung sa tingin ko may substance, at sobrang importante sa akin yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN