Elmo Magalona seeks late dad Francis Magalona's blessings on his new life as a Kapamilya

"Gusto ko lang sabihin kay Papa na I'm following my dreams and I hope that he supports me also," Elmo Magalona said in an AVP during his launch as the newest Kapamilya on ASAP XX earlier today.


“Ako po si Elmo Magalona and I'm proud to be a Kapamilya.”

Ito ang pahayag ng singer-actor sa kanyang unang guest appearance sa ASAP XX ngayong Linggo, December 6.

Ibinahagi ng 21-year-old na anak ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona na malaking bahagi ang kanyang ama sa pagpasok niya sa showbiz.

Kuwento ni Elmo, “Even before pa, mahilig talaga ako sa pag-perform in front of a crowd.

“Na-realize ko na kaya ko rin kumanta at sumayaw nung pinapanood ko yung live shows ni Papa, even my Lolo [the late Pancho Magalona].

Matatandaang 16 taong gulang lamang si Elmo nang pumanaw ang kanyang ama dahil sa leukemia.

Ani Elmo, “When I first started, super supportive talaga ng family ko.

“They make time to support me and I appreciate that talaga except that hindi ko lang masabi kay Papa.”

Humigit kumulang anim na taong naging bahagi si Elmo ng Kapuso network bago siya nagdesisyong lumipat sa ABS-CBN noong nakaraang buwan.

Pormal na pumirma ng kontrata si Elmo bilang bagong Kapamilya noong November 26.

READ: Elmo Magalona transfers to ABS-CBN

Pahayag ni Elmo, “Just recently kaka-sign ko lang sa Kapamilya network and I'm just really thankful for ABS-CBN for giving me the opportunity.”

Kasabay nito ang dalangin ni Elmo na gabayan siya ng ama sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.

“Gusto ko lang sabihin kay Papa na I'm following my dreams and I hope that he supports me also.

“And I hope that he's proud of what I've done.”

Bukod sa production number ni Elmo sa ASAP XX, naghanda ng tribute production number ang ilang Kapamilya stars para sa Master Rapper.

Kasama sa number na ito sina Yeng Constantino, Enrique Gil, Gloc-9, at KZ Tandingan.

MESSAGE FROM ENRIQUE. Isa sa mga nagbigay ng mensahe para kay Elmo ngayong ganap na siyang Kapamilya ay ang ABS-CBN actor na si Enrique Gil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag ni Enrique patungkol kay Elmo, “We connected really easily kasi nga from our dads. They have the same sickness before.

“Elmo is a cool guy to be with. Hindi mayabang, tahimik, sobrang bait.

"And finally, you're here, you're a Kapamilya.

“Let's do this, bro!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN