John 'Sweet' Lapus sizes up Tom Rodriguez: “Wala, malaki talaga!”

John "Sweet" Lapus supports the rumor that Tom Rodriguez is 'well-endowed' : “Baka nakalimutan nating lahat na ano siya, hindi yata alam ng iba na American ang tatay ni Tom. Mukha lang siyang Pinoy pero Kano ang kanyang tatay.”


Nagulat ba si John "Sweet" Lapus sa naughty interview kay Cai Cortez kamakailan?


Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

“Slight!” natatawang sagot ni Sweet nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang Buy Now, Die Later last week.

Isa sa mga nabanggit ni Cai sa naturang panayam ay ang pagiging "well-endowed" ni Tom Rodriguez at ang sexual encounter diumano nila.

Hirit ni Sweet, “May nagtanong nga sa akin na parang, kung nangyari ba yun sa pelikula naming Here Comes The Bride [2010], kasi dun lang daw magkasama si Cai at saka si Tom.

“Tapos na-realize ko, oo nga!

"Pero sabi ko, hindi ko alam, hindi ko alam! Magkakaiba kami ng kuwarto nun.

"Di ba, parang hindi ko alam, so…

“Hindi ko alam. Ang bongga niya!”

Roommate naman ni Sweet si Tom [2011] noong nag-shooting sila ng Temptation Island, kung saan naka-pulang trunks lang ang Fil-Am actor sa harap niya buong araw.

Kuwento ni Sweet, “Sa harapan ko at ng PA [production assistant] kong baklang si Nikki, nagpa-praktis magsuot ng red underwear 'yang si Tom Rodriguez.

"Kasi nga, parang ito yung the day before na kukunan yung naka-brief lang siyang palakad-lakad.

“So, parang mawala yung malisya niya, nagsabi naman siya.

"Sabi niya sa akin, ‘Ate Sweet, Nikki, okay lang ba, magbi-briefs lang ako habang nagdu-drawing? Para at least, hindi na ako mahiya.’

“Mahilig 'yang mag-drawing sa iPad, e.

“Sabi ko, ‘Sure!’

“Pero yung pagkaka-sure namin, parang walang malisya, di ba?

“Siyempre mapapatingin ka. Naglalakad ba namang…”

Sesegundahan ba niya ang sinabi ni Cai na “malaki” nga si Tom?

“Ay, oo!” mabilis na bulalas ni Sweet.

“Dyusko naman, nakita naman ng lahat nung nag-Bench underwear siya, nung rumampa siya.”

Ano ang masasabi ni Sweet sa intrigang gumamit ng lavacara o padding sa Bench event si Tom?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, malaki talaga!

“Baka nakalimutan nating lahat na ano siya... hindi yata alam ng iba na American ang tatay ni Tom.

“Mukha lang siyang Pinoy, pero Kano ang kanyang tatay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN