Kenzo Gutierrez on 'touchy-feely' issue with Bailey May: “It didn’t affect me at all.”

Former PBB 737 teen housemate Kenzo Gutierrez says that the "touchy-feely" issue between him and co-housemate Bailey May did not affect him at all. He explained that they were just really close inside the Big Brother house and there was no malice involved in their relationship as close friends.


Hindi raw naapektuhan ang Pinoy Big Brother 737 teen ex-housemate na si Kenzo Gutierrez sa mga isyung ipinukol sa kanila ng kapwa housemate na si Bailey May habang sila ay nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kenzo kagabi, December 6, sa special screening ng bagong teleserye ng ABS-CBN, ang And I Love You So, kung saan kasama siya sa cast.

Sabi niya, “Oh, I just laughed about it.

“Honestly, it didn’t affect me at all because I knew there was no malice with anything that happened inside the house with Bailey."

Ayon pa sa kanya, nananatili ang pagiging malapit nilang magkaibigan hanggang ngayon kahit nakalabas na sila ng Bahay Ni Kuya.

“We’re just like brothers.

"Up until now, we’re still the same, I don’t really care [about the issue]."

Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang pagiging “touchy-feely” ng dalawang teen housemates noong nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.

Read: PBB 737 housemates Kenzo and Bailey become "touchy-feely" to each other

Dahil sa naging isyu, kinaharap ng ABS-CBN at ng pamunuan ng PBB 737 ang reklamo mula sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at ginawaran ng SPG rating dahil sa diumano’y “sensitive content” ng programa.

Read: MTRCB orders PBB 737 to place sensitive content advisory; elevates PBB 737 Gold’s rating classification from PG to SPG

Napagpasyahan din ng ABS-CBN na itigil noon ang 24/7 livestream ng PBB 737 dahil sa nararanasang “cyberbullying” ng dalawang teen housemates.

Read: ABS-CBN decries "cyberbullying" being experienced by PBB 737 housemates Bailey and Kenzo

FRIENDS WITH KAMILLE. Kinamusta rin ng PEP kay Kenzo ang lagay ng relasyon nila ng kapwa PBB 737 housemate na si Kamille Filoteo.

Matatandaang habang nasa loob sila ng Bahay Ni Kuya ay naging malapit ang dalawa at inamin ni Kenzo na crush niya si Kamille.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kenzo Gutierrez of PBB 737 admits crush on Kamille Filoteo

Sabi ng newcomer, “We’re just really good friends, we’re close friends.

"We still talk but we’re just friends."

Sinabi rin ni Kenzo na matindi pa rin ang samahan nila ngayon ng mga kapwa housemates kahit na nakalabas na sila ng PBB house.

“We’re all still really close.

“Actually, Kamille just had her surprise birthday bash tonight and they’re gonna be at Richard’s [Juan] house.

"But I can’t make it unfortunately because I have finals tomorrow."

STINT AT ACTING. Isa naman si Kenzo sa nabiyayaang mabigyan agad ng malaking role sa teleserye pagkalabas niya ng Bahay ni Kuya.

Siya ay bahagi ng bagong panghapong teleserye ng ABS-CBN, ang And I Love You So, na magsisimula na ngayong gabi, December 7, pagkatapos ng All of Me.

Sa bagong palabas ay makakatrabaho niya ang diumano’y dating nakarelasyon na si Julia Barretto, kung saan sila ang magkatambal.

Paglalarawan ni Kenzo sa kanyang role, “I’m gonna be the childhood best friend of Julia.

"And then I’m gonna end up falling for her throughout our teenage years when I come back from the States, since our fathers are best friends."

Ikinatuwa rin ni Kenzo ang pagiging bahagi ng bagong teleserye, lalo na’t ito ang unang pagkakataong umarte siya sa telebisyon.

Inamin din niyang naiyak siya nang mapanood ang palabas kagabi sa screening.

“Overwhelming. I’m so grateful for this chance to actually get a shot with acting and I’m so excited.

“I was actually tearing up with the show when I watched.

“And I know this has a lot of potential to be a big hit, especially yun nga, I had one scene... but that’s more than enough for me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN