Alden Richards speaks up amid latest controversy: "Not true..."

Hindi man direktang tinukoy ni Alden Richards kung para saan ang mensaheng ipinost niya sa Twitter, ipinagpapalagay ng AlDub Nation na ito ay may kinalaman sa isyung pinag-uusapan ngayon sa social media.


"Not true..."

Ito ang maikli ngunit makahulugang Twitter post ni Alden Richards ngayong gabi, December 7, sa gitna ng isyung nagsimula rin sa social media.

Ipinagpapalagay ng maraming miyembro ng AlDub Nation na ang post na ito ng Kapuso actor-TV host ang sagot niya sa kontrobersiyang nilikha ng Twitter post ng direktor ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre.

Ang AlDub Nation ay ang hukbo ng tagahanga ng phenomenal love team nina Alden at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Matatandaang isang Twitter follower ang nagtanong kay Direk Rich kung ang girlfriend ba ni Alden sa tunay na buhay ay si Julie Anne San Jose.

Magkasama ngayon sa Sunday Pinasaya sina Alden at Julie Anne, na minsan na ring naugnay romantically.

Kumalat sa Twitter ang sagot diumano ni Direk Rich na "yup" sa tanong ng nasabing fan.

Ngunit base na rin sa pag-iimbestiga ng ilang AlDub fans, in-edit lang daw ang sagot na iyon ng direktor dahil ang totoong sagot daw nito sa tanong ay "nope" o hindi.

Maliban dito, umalma rin ang maraming fans dahil sa pagla-like ni Direk Rich sa post ng isang fan na tila lumalait kay Maine.

Dahil dito ay inulan ng batikos ang direktor ng Sunday Pinasaya, kaya naman sa huli ay humingi ito ng paumanhin sa AlDub Nation.

Read: Sunday Pinasaya director apologizes to AlDub Nation

Ilang oras pagkatapos kumalat sa social media ang isyung ito ay nag-post si Alden ng maikling mensahe sa kanyang Twitter account (aldenrichards02):

Wala man direktang tinukoy ang Pambansang Bae kung para saan ang tweet niyang ito, ipinagpapalagay ng kanyang mga tagasuporta na ito ang sagot niya sa kumakalat na balita.

Ngunit ang dalawang salitang ito ay sapat na upang kumalma ang AlDub Nation.

Hindi naman daw kasi ugali ni Alden na sumagot sa mga isyung kinasasangkutan niya, ngunit sa pagkakataong ito ay nagsalita siya upang linawin ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN