#AlDubEBTamangPanahon is Twitter's third top trending topic for TV in 2015

Eat Bulaga's #AlDubEBTamangPanahon ranked third on Twitter's top trending topics for TV in 2015.


Kabilang ang official hashtag para sa pinakamalaking event na inilunsad ng Eat Bulaga, ang “Tamang Panahon,” sa top trending topics sa Twitter sa buong mundo ngayong 2015.

Ayon sa 2015 year-end data na inilabas ng Twitter kahapon, December 7, pangatlo ang #AlDubEBTamangPanahon sa top trending topics para TV category.

Sinundan nito ang #KCA ng Nickolodeon's Kids' Choice Awards at #TeenChoice ng Fox Teen Choice Awards.

Samantala, natalo naman ng #AlDubEBTamangPanahon ang hashtags na #AMAs (para sa American Music Awards) at #TheWalkingDead (para sa ika-anim na season ng American horror drama).

Ang Eat Bulaga! concert na “Tamang Panahon,” na ginanap sa Philippine Arena noong October 24, ay nagkaroon ng mahigit 41 million Twitter posts.

Read: AlDub posts record-breaking 41-M tweets; Eat Bulaga! breaks TV ratings record with 50.8%

Ang nasabing event ay inabangan ng milyun-milyong followers ng phenomenal love team nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Dito nila nakita ang first dance at first hug ng Kapuso love team, na mas kilala bilang AlDub.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN