Sunday Pinasaya director Rich Ilustre apologizes to Maine Mendoza and Alden Richards for Twitter misunderstanding

Sa pamamagitan ng Twitter ay humingi ng dispensa ang Sunday Pinasaya director na si Rich Ilustre kina Maine Mendoza at Alden Richards dahil sa gulong nilikha ng kanyang post noong Lunes, December 7.


Pagkatapos humingi ng paumanhin sa AlDub Nation dahil sa gulong idinulot ng kanyang posts sa Twitter, kasunod namang nag-apologize ang direktor ng Sunday Pinasaya na si Rich Ilustre kina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sa pamamagitan ng Twitter ay ipinahatid ni Direk Rich ang kanyang paumanhin sa dalawa nitong Martes ng gabi, December 8:

Matatandaang noong Lunes, December 7, ay naging usap-usapan sa social media ang pagla-like ni Direk Rich sa isang Twitter post ng fan na tila lumalait kay Maine.

Hindi ito nagustuhan ng hukbo ng mga tagahanga nina Alden at Maine, ang AlDub Nation.

Lalo pang nagpuyos ang galit ng AlDub fans dahil diumano sa sagot ni Direk Rich sa tanong ng isang follower niya kung ang girlfriend ba sa tunay na buhay ni Alden ay si Julie Anne San Jose.

Kumalat kasi ang screen shot na "yup" ang sagot ng direktor.

Pero napag-alamang in-edit lang ito at "nope" ang tunay na sagot ni Direk Rich.

Dahil dito ay nauna nang humingi ng dispensa ang Sunday Pinasaya director sa AlDub Nation dahil sa nangyari.

Read: Sunday Pinasaya director apologizes to AlDub Nation

Ngayong Linggo, December 13, ay nakatakdang mag-guest si Maine sa Sunday Pinasaya, kung saan mainstays sina Alden at Julie Anne.

Tiyak na aabangan ng marami kung matutuloy pa rin ang paggi-guest ni Maine sa kabila ng nangyari.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN