Oyo Sotto defends Vic Sotto against basher who called his dad "pedophile"

Pinatulan ni Oyo Sotto at sinagot ang isang basher na binansagang "pedophile" ang ama niyang si Vic Sotto. Sabi ni Oyo, “At least my dad and Pauleen are doing the right thing. They both want to get married. Hindi namilit ang tatay ko.”


Hindi napigilan ng Vampire Ang Daddy Ko actor na si Oyo Sotto na sagutin ang isang basher ng amang si Vic Sotto sa kanyang Instagram account.

Sa post nito kahapon, December 8, kasama ang kanyang dalawang anak, biglang may nag-comment tungkol kay Vic.

Ayon kay @haks4eng: “Would you also allow your daughter to marry a grampa? Your dad is a pedophile! Disgusting.”

Tugon ni Oyo: “@haks4eng stop the hate. At least my dad and Pauleen are doing the right thing. They both want to get married. Hindi namilit ang tatay ko.

“If you have nothing good to say, stop commenting on my page.”

Laro laro muna. May isang komedyante.. Hehehe!?????????

A photo posted by Oyo Sotto (@osotto) on

Thirty-four years ang agwat ng edad ng magkasintahang Vic at Pauleen. Nakatakda ang kanilang kasal sa Enero 2016.

Read: Pauleen Luna and Vic Sotto to wed on January 2016; do not talk about prenup


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN