Cai Cortez: “Do not let other people's opinions of you bring you down.”

Sa kanyang post ngayong araw, December 10, tila sumagot na si Cai Cortez sa isyung kinasangkutan niya, kung saan ibinunyag niya ang pangalan ng male celebrities na nakiniig niya.


Malaman ang mensahe ng pinakahuling post ng aktres na si Cai Cortez sa Instagram ngayong Huwebes, December 10, na tila sagot sa isyung kinasangkutan niya.

Nitong Miyerkules, December 9, pinasalamatan ni Cai ang ilan sa kanyang mga tagasuportang ipinagtanggol siya sa isang basher na bumabatikos sa kanya dahil sa mga rebelasyon niya sa podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo (GTWM).

Sa November 13 episode ng GTWM, ibinunyag ni Cai ang pangalan ng ilang mga artistang lalaki na nagkaroon siya ng sexual encounters; kabilang na ang Kapuso actor na si Tom Rodriguez.

Dahil sa rebelasyon ni Cai, marami ang nang-bash sa kanya, kabilang na ang fans ni Tom.

Read: Cai Cortez reveals sexual encounter with Tom Rodriguez, other male celebrities

Nanatiling tahimik si Cai, maliban sa comment niya kahapon kung saan pinasalamatan niya ang kanyang mga tagasuporta sa social media.

Read: Cai Cortez maintains “positive vibes” despite controversial revelations

Pero ngayong Huwebes, tila sagot ni Cai sa nasabing isyu ang kanyang post sa Instagram.

Nilalaman ng nasabing mensahe ang pagiging matatag sa kabila ng anumang sabihin ng ibang tao, pagmamahal sa sarili, at hindi pagsuko.

“Do not let other people's opinions of you bring you down. You know yourself more than anyone ever will. Accept and fully love yourself, warts and all,” simula ng status ni Cai.

“All you have gone through in the past contributes to what an amazing person you are now, but do not let your past define you.

“Do not let hardships and dismay get the better of you.

“Rise from your mistakes, learn from these struggles and watch yourself grow. Do not give up. Don't sink. Don't sink...

“P.S. Kinda diggin this hair length,” tila paglalarawan ni Cai sa kanyang bagong hairdo na makikita sa picture na kalakip ng post.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN