Paolo Valenciano claims brother Gab gets death threats “because he does not like Duterte”

Paolo Valenciano reveals shocking comments by some Davaoeos, following brother Gab’s anti-Duterte post. “I read some Davaoeos saying, 'Sana ma rape asawa mo...'”


Ibinahagi ni Paolo Valenciano na nakakatanggap diumano ng death threats ngayon ang kanyang nakababatang kapatid na si Gab Valenciano, kasunod ng pagpapahayag nito ng pagkadismaya kay presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo Duterte pagdating sa usaping moral.

Umani ng pambabatikos si Gab nang mag-post siya sa social media nitong December 6, Linggo, ng isang mahabang mensahe kung saan pinuna niya si Duterte at sinabing hindi niya masusuportahan ang moralidad ng alkalde.

Read: Gab Valenciano gets bashed for criticizing presidential candidate Rodrigo Duterte

Dahil dito, marami ang bumatikos kay Gab at idinamay pa pati ang pamilya nito.

Kabilang sa mga kilalang personalidad na bumatikos sa musician ay sina Mystica at Mocha Uson.

Pero sa kabila nito, nanindigan si Gab sa kanyang opinyon at sinabing hindi siya hihingi ng paumahin sa kanyang mga naging pahayag.

Read: Gab Valenciano gets bashed for criticizing presidential candidate Rodrigo Duterte

BIG BROTHER REACTS. Nitong Huwebes ng umaga, December 10, nag-tweet si Paolo at ibinahagi ang mga banta na natatanggap diumano ng kanyang nakababatang kapatid dahil sa opinyon nitong taliwas sa opinyon ng iba.

Sabi pa ng panganay ni Mr. Pure Energy, ikunukunsidera niyang isa sa Top 3 provinces ang Davao dahil maganda ang naging karanasan niya nang bumisita siya rito.

Subalit may mga nabasa raw siyang mga komento mula sa “some Davaoeños” na sana raw ay ma-rape ang asawa ni Gab.

Inamin pa ni Paolo na gusto niya si Duterte.

Kahit hindi raw ang alkalde ang nangungunang kandidato niya, mas gusto niyang si Duterte ang manalo kumpara sa iba pang mga kandidato.

Pero pinakiusapan niya ang ibang Davaoeños na rumespeto.

Isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang tweet ni Paolo at sinabing tila pinapalabas nitong masama ang mga taga-Davao.

Sumagot si Paolo at binigyang-diin ang paggamit niya ng “SOME Davaoeños.”

Muling sumagot ang netizen at sinabi nitong bakit nagpo-focus si Paolo sa mga Davaoeño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumagot muli ang concert director at ipinunto ang masamang sinabi tungkol sa asawa ng kanyang kapatid.

GAB'S TWEET. Samantala, nitong Martes, December 8, ay nag-tweet si Gab tungkol sa maraming pamba-bash na natanggap niya mula sa kanyang mga kapwa Pilipino.

Malaman ang mga ipinost ni Gab, tungkol sa mga taong pinatunayan kung gaano ka-"socially uneducated" ang Pilipinas.

Sabi pa ni Gab, ipinagdarasal niya ang kinabukasan ng Pilipinas at ng kanyang kapwa Pilipino.

Nalulungkot umano siya para sa kanyang mga kababayan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN