GMA Network rejects acquisition offer from Manny Pacquiao, Chavit Singson

Hindi na tuloy ang negosasyon sa pagitan ng GMA Network at nina Sarangani Congressman Manny Pacquiao at former Ilocos Sur Governor Chavit Singson upang mabili ang Kapuso Network. Tinanggihan na raw kasi ito ng pamunuan ng GMA-7, ayon mismo sa Chairman at CEO nitong si Atty. Felipe L. Gozon.


Tinanggihan na ng GMA Network, Inc. ang alok nina Sarangani Representative Manny Pacquiao at dating Ilocos Sur Governor Luis "Chavit" Singson na bilhin ang shares ng Kapuso station.

Ito ang inihayag ng GMA Chairman at CEO na si Atty. Felipe L. Gozon, kagabi, December 9.

Nilinaw naman nito sa GMA News Online na marami pa ring interesadong bilhin ang GMA-7, mga bagong players man o mga dati nang may interes na makabaili ng shares sa Kapuso network.

Kabilang sa mga dati nang interesadong mabili ang GMA-7 ay si Ramon Ang ng San Miguel Corporation.

Nitong nakaraang Oktubre, nabanggit ni Singson na may balak sila ng kaibigang si Manny Pacquiao na bilhin ang shares ng GMA.

Pero hindi naman daw ito agarang plano dahil uutang pa raw sila ni Manny ng bilyun-bilyong piso para rito.

Read: Chavit Singson confirms plan to buy shares of GMA Network with Manny Pacquiao

 

NUMBER 1 NATIONWIDE. Sa ngayon, inaasahan ng pamunuan ng GMA Network na magtatapos ang taong 2015 na makuha ang lagpas sa 100-porsiyentong kita.

Ayon kay Atty. Gozon, “We are also expecting better revenues from political ads versus 2010, considering that rates are higher this year and considering also our current lead in NUTAM (Nationwide Urban Television Audience Measurement) ratings.

"We have exceeded all our targets as of December 9, 2015."

Napanatili ng istasyon ang mataas nitong kita hanggang sa ikatlong bahagi ng taon, kung saan ang net income nito ay umabot ng 67 percent o katumbas na P706 million mula sa P422 million sa unang bahagi ng 2015.

Naitala rin ang 80 percent increase sa kita nila sa loob ng siyam na buwan, na umabot sa P1.804 billion.

Pagmamalaki pa ni Atty. Gozon, "Our company is in strong financial position as we continue to dominate the nationwide ratings.

"We expect to sustain this growth and eventually finish the year on a solid note in terms of our revenues and ratings.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibinalita rin nitong bibigyang daan nila ang digitalization ng istasyon sa taong 2016.

Kagabi rin, sa Christmas party ng istasyon para sa mga entertainment press, masayang ibinalita ni Atty. Gozon na natalo na nila ang ABS-CBN sa NUTAM ratings.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN