Janella Salvador reassures fans of her former love team with Marlo Mortel: “I always say it's destiny.”

Janella Salvador feels optimistic about reuniting with her former love team partner Marlo Mortel: “That’s for you to find out about destiny. If two people are meant to be together in the future, they're gonna meet again.”


Nabalita kamakailan na nagalit daw ang singer-actress na si Jenine Desiderio sa isang host ng isang event ng ineendorsong brand ng shampoo ng anak niyang si Janella Salvador, dahil hindi raw nito alam ang pangalan ni Janella at dahil dito ay hindi ito naipakilala nang maayos sa naturang event.

Read: Jenine Desiderio criticizes host for not knowing daughter Janella Salvador’s name

Nagbuhos ng kanyang hinaing si Jenine sa kanyang Instagram account kunsaan hindi niya pinangalanan ang nasabing host, pero kinuwento nito ang naging kaganapan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Janella sa nakaraang "Kapamilya Thank You For The Love: The 2015 ABS-CBN Christmas Special" na ginanap nung nakaraang Martes, Dec. 8, sa Araneta Coliseum, hindi naman itinago ni Janella na kahit siya ay na-offend din sa nangyari.

Kuwento niya, “Di ko na babanggitin kung anong endorsement.

“Siyempre, if you are the endorser, you will know your endorser if you’re from that company.

“Nakakabastos, nakaka-offend lang. Yun lang.

“Pero forgive na lang. No, hindi siya nag-sorry.


REUNION WITH DAD. Mula sa matagal na panahong hindi sila nagkita ng kanyang amang si Juan Miguel Salvador ay nagkita mulia ang mag-ama sa isang event kunsaan ang young actress ang mismong lumapit sa dating singer.

Aminado naman si Janella na isa ito sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya na sinuportahan naman ng kanyang ina.

“It’s a big milestone in my life.

“Go out? Hindi pa rin. Same pa rin, pero at least may door na nag-open. Yes, she’s supportive. She never makes me stop,” pahayag niya.


NEW LOVE TEAM. Sa ngayon ay ipinapareha si Janella kay Elmo Magalona, at mapapanood na sila sa isang serye ng Kapamilya network.

Tinanong namin si Janella kung hindi ba siya naiilang na alam ng lahat na may girlfriend ang aktor—si Janine Gutierrez—na una nang nakapareha ni Elmo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masaya siyang kasama. Like every time we see each other, mas nagiging close pa kami,” pag-amin niya.

Marami rin sa mga tagahanga nila ng kanyang dating ka-love team na si Marlo Mortel, pati na rin si Marlo, ang tila na-disappoint dahil ipinareha na si Janella sa iba.

Read: Marlo Mortel feels bad over breakup of love team with Janella Salvador

Idiniin naman ni Janella na walang dapat ikabahala ang mga fans nila ni Marlo, dahil good friends lang naman daw sila ni Elmo, at trabaho lang daw ang pagkapareha nila.

Paglinaw niya, “Di naman, this is work and like I’ve said, we’re in the getting-to-know-each-other stage pa lang and I support him naman with his girlfriend. We just hang out together.

“Yung love team namin ni Marlo, for me naman walang goodbye-goodbye. I always say it's destiny.

“That’s for you to find out about destiny. If two people are meant to be together in the future, they're gonna meet again.”



THANKFUL FOR BLESSINGS IN 2015. Naging maganda ang tinakbo ng 2015 ni Janella dahil mainit na tinaggap ng publiko ang seryeng pinagbidahan ni Janella, ang Oh My G!

Para sa singer/actress, ngayong taon niya naranasan ang maraming bagay sa kanyang buhay lalo na sa kanyang career.

“It’s a year of different experiences, naranasan ko yung after mag-taping nag-promote ako ng album, tapos nakapag-travel ako three times this year—sa London, sa Hongkong, saka sa Singapore. Iba-iba.

“This year din, ako ang napili to sing the Hongkong Disneyland theme song.

“So grabe, it’s really overwhelming na of all the artists ako ang napili. I feel like I’m a Disney princess. Dream ng most of the girls ito. I feel very blessed,” pagpapasalamat niya.

Masaya naman si Janella na parte siya ng star-studded na Christmas special ng ABS-CBN nung nakaraang Martes na mapapanood sa Dec. 19 at 20 sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, it still feels new, kahit 4th [Christmas special] ko na yata, every time it’s different—iba ang crowd.

“Masaya naman to be still part of this celebration,” pahabol pa ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN