Kris Bernal “screamed and freaked out” after photo-op with Maine Mendoza

"Little Nanay meets Yaya Dub." Kris Bernal relates fan-mode moment with Maine Mendoza.


Maraming magagandang nangyari sa pag-guest ni Maine Mendoza o Yaya Dub sa Sunday Pinasaya ngayong Linggo, December 13.

Bukod sa balitang nagkaayos na sina Maine at Julie Ann San Jose nang lumapit at nag-sorry si Maine sa Kapuso singer dahil sa di pagkakaunawaang nag-ugat sa Twitter, nagkadaupang-palad din sina Maine at Kris Bernal, na dating leading lady ni Alden Richards sa ilang proyekto noon.

Read: Maine Mendoza apologizes to Julie Ann San Jose for Twitter misunderstanding

Nitong October, binatikos si Kris nang mag-post siya ng picture sa Instagram kunsaan kasama si Alden, ang ka-love team ni Maine sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!.

May ibang fans kasi ang AlDub (Alden at Yaya Dub) na minamasama ang pagkakaugnay ng kanilang idolo sa ibang artista.

Read: Kris Bernal bashed by AlDub 'fans' over Instagram photo with Alden Richards; apologizes for her “insensitive actions”

Pero noong December 13 ng hapon, nag-post ng photo si Kris sa kanyang Instagram kasama si Maine.

Nag-guest din si Kris sa Sunday Pinasaya para i-promote ang nalalapit na pagtatapos ng StarStruck kung saan isa siya sa mga co-hosts.

Sa post ni Kris, puring-puri ng aktres si Maine dahil sa kagandahan at kabaitan nito.

"Gothic and chic! Little Nanay meets Yayadub! I gushed at her for a bit about how amazing she is! I screamed and freaked out for a minute after the photo was taken! She's so pretty, prettier in person. Â?Â? Very accommodating! One of the reasons why she is soooo loved by many! Thank you@mainedcm!

Ikinuwento rin niya na kinilig siya matapos siyang purihin ni Maine sa pagganap niya sa primetime teleseryeng My Little Nanay.

"P.S. Sabi niya, "Ang galing mo sa Little Nanay" Nahiya na kinilig ako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN