Newcomer Paolo Gumabao says being the son of Dennis Roldan will not affect his acting career

Paolo Gumabao says he understands negative reaction towards his family. "Lahat naman tayo nagkakaroon ng negative reaction sa ibang tao, pero hindi ko naman sila dyina-judge. Iniisip ko muna. Pag may negative reactions, iniintindi ko na lang, pinababayaan ko na lang."


Regular daw nadadalaw ng newcomer na si Paolo Gumabao ang kanyang biological dad na si Dennis Roldan sa National Bilibid Prison.

Nakapiit ngayon ang aktor at dating pulitiko matapos mahatulan ng guilty sa kasong kidnapping ng isang batang Filipino-Chinese noong 2005.

Naibaba ang hatol na life imprisonment kay Dennis noong August 26, 2014.

Read: Dennis Roldan gets guilty verdict for kidnapping Filipino-Chinese boy in 2005

Si Paolo ay kasalukuyang talent ng Star Magic at kasali sa cast ng 2015 Metro Manila Film Festival entry na Haunted Mansion.

Ayon kay Paolo, noong 2014 lang sila nagkita at nagkakilala ng kanyang tunay na ama. Pero matapos nito ay naging regular na raw ang kanilang komunikasyon.

Lahad niya, “Kasi lumaki ako with my stepdad. He’s Chinese.

“Ang legal name ko ngayon is Paul Chen.

"Nung nakilala ko po sila, nagpaalam po ako na kung puwede I use Gumabao as my screen name, so yun.”

Paano niya nalaman na ama niya si Dennis Roldan?

“Sinabi po sa akin ng mom ko when I was 15, two years ago. 

“Ang akala ko po, tatay ko yung stepdad ko.”

Wala raw negatibong reaksiyon si Paolo nang malamang hindi niya totoong ama ang kinikilalang ama.

Saad niya, “Mas bumilib ako sa stepdad ko kasi kahit hindi niya ako totoong anak, ang naramdaman ko talaga, naparamdam niya sa akin na anak niya ako. 

“So, walang problema sa akin na hindi nila sinabi sa akin. I understand naman.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa presscon ng Haunted Mansion noong December 9 sa Valencia Events Place.

FIRST MEETING. Noong magkita raw sila sa kauna-unahang pagkakataon, wala talagang alam si Dennis tungkol sa pagkakaroon niya ng ibang anak.

Salaysay ni Paolo, “Wala talaga siyang kaalam-alam. 

“Nakuha ko yung number niya from my mom’s friend, kasi kakilala niya si Daddy. 

“Tinawagan ko siya, ‘Is this Dennis Roldan?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Ah, yes.’ Kinakabahan ako… ibinaba ko yung phone.

“After a month… kasi I auditioned for PBB [Pinoy Big Brother] na-callback ako and I was excited sa callback. 

“Nung sinabi nila sa akin na hindi ako nakuha, medyo na-depress ako.

“So, I had to hold on to something I keep going. 

“So, tinawagan ko uli siya, wala pa siya sa kulungan, ‘Is this Dennis Roldan?'

“'Yes, this is Dennis Roldan…’ Sabi niya, ‘Sino ‘to?’

“Sabi ko, ‘My name is Pao. My mom said you’re my dad.’

“Nagulat siya, ‘Ha? Nasaan ka? Nasa Ortigas ako ngayon, kita tayo.’

“Takbo ako, nagpunta ako… doon kami nagkita for the first time.”

Naiyak ba siya?

“Hindi ako naiyak, 'no! Pampelikula lang yun. 

“Medyo nailang lang ako kasi first time ko siyang nakita. 

“Pero after few hours of talking, okey na.

“Hindi niya alam ang dahilan kung bakit nawala ako… inilayo ako ng mom ko. 

“Ayaw sabihin ng mom ko kung bakit, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ako inilayo.”

SON OF DENNIS ROLDAN. Naniniwala si Paolo na walang magiging negative effect sa karera niya sa showbiz ang pagiging anak niya ni Dennis.

Sabi pa niya, “I believe na kung magaling ka talagang artista, you really love your job what holds you back?

“Some people may say na bad family background, but that doesn’t mean na hindi ka puwedeng sumikat sa pag-aartista.

"Because I love my job at nag-e-enjoy ako sa set.

“And then I practice my acting every day. 

“What else do I need? It’s luck na lang.”

Gustuhin man sana ni Paolo na gamiting surname sa screen name niya ang “Roldan,” na screen surname ng daddy niya, hindi raw ito puwede dahil may Paolo Roldan na—isang sikat na modelo.

Kibit-balikat lang daw si Paolo sa mga kakatwang reaksiyon na natatanggap niya kapag nalamang siya’y anak ni Dennis Roldan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pahayag niya, “Ako naman, kapag may negative reaction sa mga tao o sa family members ko, naiintindihan ko naman sila. 

“Lahat naman tayo nagkakaroon ng negative reaction sa ibang tao, pero hindi ko naman sila dyina-judge. Iniisip ko muna.

“Pag may mga negative reactions, iniintindi ko na lang, pinababayaan ko na lang. 

“Hindi naman ako naiinis or whatever.”

Patuloy raw ang komunikasyon nilang mag-ama kahit nasa kulungan ito.

Isa lang ang pinanghihinayangan ni Paolo. Ito ay ang magkaroon sana ng mahabang panahong makilala at makasama ang ama.

Ilang buwan kasi matapos silang magkita ay nakulong na ito.

“Doon ako nalungkot.

“Kasi, kaya ko siya hinanap, para makilala ko siya and makasama ko siya.  

“Kasi, we have so many things in common.

"Kasi artista siya. E, ako, ever since na bata ako, gusto nang mag-artista.

“Akala ko matutulungan niya ako pero bigla siyang nakulong ulit.

“Pero okey lang. I go there every week naman,” sabi ni Paolo, na ang tinutukoy ay sa Bilibid Prison.”

Wala raw effort si Dennis na magbigay ng pera o tanungin si Paolo kung ano ang pangangailangan nito ngayong nagsimula na siya sa kanyang acting career.

Natatawang sabi ni Paolo, “He knows naman that my stepdad can provide that for me!”

Sa pagkakaalam ni Paolo, walo silang magkakapatid sa ama. 

Wala naman daw siyang ideya kung meron pa silang ibang kapatid sa ibang babae ng ama niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN