Mar Roxas and Rodrigo Duterte: From allies to enemies

Roxas to Duterte: "Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako. Hindi ako iiwas o iilag. Pero kung totoo ang Wharton degree ko, sasampalin kita."


Hinamon ng sampalan ni former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kapwa presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Kaugnay ito ng alegasyon ni Mayor Duterte na hindi umano totoong nakapagtapos si Roxas sa Wharton School of Economics ng University of Pennsylvania.

Buwelta ni Roxas kay Mayor Duterte, “Ganito, magsampalan kami.

“Kung hindi totoo ang Wharton degree ko, sampalin mo ako.

“Hindi ako iiwas o iilag.

“Pero kung totoo yung Wharton degree ko, sasampalin kita.”

Sinabi ito ni Roxas sa isang panayam sa dinaluhan niyang PCUP-Urban Poor Solidarity Week sa University of the Philippines kahapon, December 14.

Sabi pa ni Roxas, "Sampalin niya ako. Punta siya rito.

“Kung hindi, punta ako sa Davao, sampalin niya ako doon sa airport. Tingnan natin.”

Ayon sa ulat ng GMA News Online, kumpirmadong nagtapos ng economics degree si Roxas sa nabanggit na unibersidad sa U.S. noong 1979.

DUTERTE'S SLAPPING THREAT. Noong Linggo, December 13, nauna nang nagbanta si Mayor Duterte na sasampalin niya si Roxas sakaling magkrus ang landas nila.

Sabi ni Mayor Duterte, “Pag magkita kami sa isang kanto dito sa kampanya, sampalin ko 'yang ****** 'yan.”

Kasunod ito ng rebelasyon ni Roxas na ang Davao City ang pang-apat sa may pinakamataas na crime incidents kumpara sa ibang lalawigan sa bansa, base umano sa statistics ng Philippine National Police (PNP).

Taliwas umano ito sa deklarasyon ni Mayor Duterte na naresolba niya ang mga krimen sa Davao sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Pahayag ni Roxas sa isang presidential forum sa Ateneo De Manila University noong Biyernes, December 11,
“Myth, kathang-isip, imagination lang itong payapa sa Davao City.

“Hindi ko sila dina-down. Sinasabi ko lang ang statistics.”

FRIENDS TURNED RIVALS. Matatandaang magkaibigan ang turingan ng dalawa, lalo pa't ikinampanya ni Mayor Duterte sa kanyang balwarte si Roxas bilang vice presidential candidate noong 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, tila nagsimulang magkaroon ng hidwaan ang dalawa dahil sa kanilang pagkakaiba ng estilo sa pagresponde sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban noong 2013.

Tumindi ang tensiyon sa pagitan nina Roxas at Mayor Duterte nang pormal nilang ianunsiyo ang kani-kanilang
kandidatura bilang pangulo ng Pilipinas sa 2016 elections.

Pinaniniwalaan ni Mayor Duterte na ang kampo ni Roxas ang may pakana ng diumano'y “black propaganda” laban sa alkalde.

Read: 30 confessions, quotable quotes, anecdotes from Duterte


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN