Gary Valenciano hurt by bashers who dwell on his past due to Gab's 'morality post' against Duterte

Suportado ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang Facebook post ng anak na si Gab Valenciano tungkol sa pambabatikos nito sa moralidad ni PDP-Laban standard-bearer Rodrigo Duterte. Magandang pangitain daw ito na mulat na ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa bansa at progresibo na ang mga kamalayan ng mga ito na makahanap ng matinong lider na mamumuno sa Pilipinas.


Suportado ni Gary Valenciano ang mga naging pahayag ng anak na si Gab Valenciano sa kanyang Facebook account noong nakaraang linggo tungkol sa hindi nito pagsuporta at pagsang-ayon sa moralidad ng presidential aspirant na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Bahagi ng pahayag ng anak ni Mr. Pure Energy: “No doubt, Duterte is a leader who leads, and leads well.

"But what about the model and nature in which that leadership is put across?

"Doesn't that matter anymore?"

"I respect him for his honesty and eagerness to lead our country back on track, but I cannot support his morality.”

Read: Gab Valenciano gets bashed for criticizing presidential candidate Rodrigo Duterte

Sabi ni Gary sa panayam ng Bandila ng ABS-CBN kagabi, December 15, “Yung mga naging pahayag ni Gab has made me realize na talagang siniseryoso 'ata ng mga Pilipino ngayon ang darating na eleksiyon kasi ang daming nag-react, e.

“May mga death threat pa nga, e.”

Ang mga banta sa buhay ni Gab ay ibinulgar naman ng kanyang kapatid na si Paolo Valenciano sa pamamagitan ng Twitter.

Read: Paolo Valenciano claims brother Gab gets death threats “because he does not like Duterte”

Bukod pa rito, samu’t saring pambabatikos din ang tinamo ni Gab mula sa supporters ni Duterte, kabilang na ang celebrities na sina Mocah Uson at Mystica.

Read: Mocha Uson, Mystica slam Gab Valenciano’s 'morality post' against Mayor Rodrigo Duterte

HURT. Bukod sa mga pambabatikos kay Gab ng ilang netizens at celebrities, naungkat din ang mga dating isyung ibinabato sa kanyang mga magulang na sina Gary at Angeli Pangilinan.

Kabilang dito ang pang-aagaw diumano ni Angeli kay Gary mula sa kapatid nitong si Felichi.

Kaya naman inamin ng ASAP host na nasaktan siya sa mga patutsadang katulad nito.

Sabi niya, “In the beginning, na-hurt ako kasi kung anu-ano na ang sinasabi even tungkol sa past ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But the past is past. What’s nice about the past is that there’s a much beautiful… much more beautiful present.”

Senyales daw ito ng mataas na kamalayan ng mga Pinoy sa paghahanap ng mga tamang mamumuno sa bansa.

“DON’T JUDGE. DON’T HATE.” Sa kanyang Twitter account naman nitong nakaraang December 11, sinabi ng ina ni Gab na si Angeli na malalaki na ang kanyang mga anak kaya hindi na niya kontrolado ang mga pag-iisip nito.

Aniya, “I don't always agree with my children's opinions or choices but they are adults now. Like a normal family we fight, we love, we cry, we love.”

Ipinagdadasal na lang daw niya ang lahat ng mga haters at bashers na pumupukol sa kanilang pamilya.

Narito ang iba pang tweets ni Angeli:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN