PEP EXCLUSIVE. Ara Mina and Mayor Patrick Meneses settle differences for daughter Amanda

Hindi raw muna iniisip ni Ara Mina ang personal na kaligayahan kundi ang kapakanan lamang ng kanyang anak na si Amanda, kaya hindi pa raw nila napag-usapan ni Mayor Patrick Meneses ang tungkol sa kanilang relasyon. Sa ngayon daw, nananatili silang mabuting magkaibigan alang-alang sa panganay nilang anak.


Larawan ng isang masayang pamilya ang nasaksihan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Ara Mina at Mayor
Patrick Meneses sa first birthday celebration ng kanilang anak na si Amanda Gabrielle kahapon, December 17.

Ginanap ang selebrasyon ng kaarawan ni Amanda sa clubhouse ng Green Meadows subdivision, sa Quezon City, kung saan halos nasa 300 ang dumalong panauhin.

Ayon kay Ara, umabot sa halos anim na buwan ang paghahanda niya para sa kaarawan ng kanyang itinuturing na prinsesa.

Ano ba ang birthday wish nina Ara at Patrick para sa panganay na anak?

Sabi ni Ara, “Wish ko lumaki siyang God-fearing, mabait, humble, mapagmahal sa kapwa, mapagmahal sa magulang, at saka basta lahat ng the best sana, pati happiness, makuha niya.”

Ayon naman kay Mayor Patrick, “Wish ko maging mabuti siyang anak sa aming dalawa ni Hazel [Ara]. Good health lagi.”

RECONCILLIATION? Hindi magkandaugaga ang dating magkasintahan sa kakaalaga sa kanilang anak at sa pag-entertain ng kanilang mga bisita.

Paminsan-minsan ay nasusulyapan naming nagbubulungan ang dalawa.

Diretsong usisa namin kay Mayor Patrick: Nagkabalikan na ba sila?

Natatawang sagot ng Bulacan, Bulacan mayor, “Tanungin mo siya. Yun lang.”

Binalingan namin ng tanong si Ara tungkol dito.

Nakangiti rin lang niyang sabi, “Actually, we’re really good friends.

"I don’t know kung anong meron kami. Pero ano, okay kami.

“Okay naman kami. Ganun pa rin ang set-up.

"Ano lang, kanya-kanya muna kaming buhay.”

Paano nila name-maintain ang friendship?

Sabi ni Ara, “Basta kay Amanda, ano, e, wala kaming alinlangan.

"We always talk on the phone, tapos we always see each other.”

Paano sila naghihiraman ng pag-aalaga sa bata?

Ayon sa aktres, “Kasi nagbi-breastfeed, di ba? Hindi niya mahihiram na hindi ako kasama. Lagi ako kasama.”

So, natutulog siya kina Mayor Patrick minsan?

Natatawang tugon niya, “Hindi, hindi! Wala nang ganung set-up.

"Wala munang mga sweetness-sweetness.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero napag-uusapan na ba nila ang tungkol dito?

Sabi ni Ara, "Hindi, e. Tsaka na, next year na.

"Busy kasi ako sa preparations ng birthday ni Amanda. Tsaka ko na iisipin yung sarili ko.”

Abril nitong taon nang lumabas ang balitang nagkahiwalay na sina Ara at Patrick dalawang linggo lamang pagkatapos mabinyagan ang kanilang anak.

Read: Ara Mina confirms relationship problems with Mayor Patrick Meneses


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN